Marian, masaya sa patuloy na paglipad ni Darna
Article posted August 26, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Now on its third week, patuloy na pumapayagpag ang “Darna” sa prime time. At sa tuluy-tuloy na pag-ani ng tagumpay, Marian Rivera attributes the show’s success to exceptional team effort. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

stars"Thank you at happy kami. Siyempre sa kahit anong project din ay mahirap mag-expect ng sobra-sobra. Kaya kung anuman ‘yung dumating, at kung binigyan man kami ng ganung ratings, ay talagang thankful kami," ang masayang bati ni Marian Rivera nang bisitahin siya ng iGMA kamakailan sa set ng Darna sa Bulacan.

Sa muling paglipad ng Pinay superhero, kasabay nito ang sigla sa GMA Telebabad block as the other prime time shows consistently post impressive numbers, as well.

Of course, natuwa naman ang ating prime time queen sa balitang ‘yan. "Tulad nga ng sinabi nila, may mga times na bumaba, pero hindi naman sobrang baba, pero ngayon na lang ulit nakakuha ng ganitong ratings ang prime time natin so happy pa rin 'di ba? Ang importante nagre-rate pa rin siya," ani ni Marian.

Ngunit, para sa tinaguriang Queen of Primetime, hindi lang naman dahil sa kanya pinapanood ng mga viewers ang Darna.

"Ayaw ko naman din sabihin na dahil din sa akin nag-rate ang Darna. Kung ganoon ang interprestayon nila na hinihatak ko ang Darna, thank you. Pero ako nakikita ko kasi ang mga tao dito [sa set], lalo na ang mga cast, na talaga namang naghihirap." paliwanang niya. "Still mahirap pa rin yung [role] sa akin. Pero, hindi lang ako ‘yung nahihirapan, kasi halos lahat naman ng cast nagtulong-tulong para mapaganda ito."

Narda at Darna

At bilang patunay sa challenges na hinarap niya bilang si Narda at Darna, kwento ni Marian na malaki ang pagkakaiba talaga ng kanyang pinaghuhugutan ng dalawang roles niya na ito.

"Kapag Narda ako dito ibang-iba itsura ko at character ko. [At] pag nag-Darna [naman] at nakikipag-fight scene ako, sobrang nag-ta-transform talaga 'yung character ko," pahayag niya.

Ibinanggit din namin ang talagang inabangan na eksena kung saan tinaggap na ni Narda ang responsibilidad ng pagiging superhero at ang naging kakaibang approach ng production team dito. Malaki ang ibinigay na credit ni Marian kay Direk Dominic Zapata at sa creative team behind the scenes.





"’Yung ikinaganda din kasi si Direk Dom, madami na siyang nagawang [telefantasya] na ganito. Alam na niya this time kung ano ‘yung mas maganda na approach para gawing kaaya-aya sa mga manonood lalo na sa mga bata," tugon ng aktres.

"Thankful din ako kay Direk kasi hindi niya pinakawalan yung mga eksena at ginawa niyang mas maganda pa lalo. Nag-iisip talaga siya ng bangong anggulo, bagong approach, bagong atake dun sa mga kalaban [ko]," dagdag pa niya

Ano pa nga ba ang masasabi ni Marian sa inaani niyang tagumpay kasama ang mga masugid na Kapuso viewers?

"Ang importante eh napatunayan namin na minahal uli ng mga tao si Darna, 'yun 'yung mahalaga doon--na pinanood at sinusubaybayan din nila[g lahat ito]," sagot niya.

Pag-usapan si Marian Rivera sa mas pinagandang iGMA Forums! Not yet a member? Register here!

Kamustahin si Marian via Fanatxt! Text MARIAN [Your Message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by mench_arcy on August 31, 2009
    I love you ate yanyan... u'r so galing, u'r so pretty and u'r so sexy like me! hahaha.. mas nabigyan mo ng justice ang role na darna and narda.. buti na lng nakuha ka ng GMA! more power 2 u and sa GMA!
  2. 2. Posted by diamondboy on August 29, 2009
    The best DARNA ever because of Marian Rivera, Directors, Writers and the whole crew. Pagbutihin ninyo pa at dagdagan lagi ang mga fight scenes dahil iyon ang pinakagusto ng mga bata. Congratulation and more power sa DARNA. Love you Marian Rivera.
  3. 3. Posted by yvetteatienza on August 28, 2009
    hello marian congratualation sa lahat ng bumubuo ng darna ... gabi gabi talagang sinusubaybayan namin ang darna... more power and God bless! About naman sa inyo ni dingdong sana kayo na till the end kita naman mahal ninyo ang isa't isa sana kahit anong shortcomings or pagsubok maging matatag kayo... at wish namin sana magtambal ulit kayo ni dingdong please kapuso network more projects kina dingdong at marian na magkasama sa telebabad or movie.... solid GMA-7 kami...more power and God bless!
  4. 4. Posted by superstar_gian on August 25, 2009
    hi marian! super galing ng darna huh.. I really like this darna kasi maganda ang story which ina abangan ko talga kahit busy ako.. ginagawaan ko talaga ng paraan para lang manood ng darna... ang wish ko talaga kahit isang week lang nasa darna ako naka apearance,...sana tuparin ito ni LOrd.. hope this coming starstruck sa cebu sana mayroon auditon.. hope no.1 ngayun until sa end sa darna kayu ang no.1 sa lahat,,,

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.