Article posted August 10, 2009
Rating:
Sa August 12, Marian Rivera will be celebrating her 25th birthday. As the new undisputed Prime Time Queen ng GMA-7, ano nga ba ang birthday gift ng Kapuso network sa aktres? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Sa press conference ng much-awaited telefantasya ng taon, ang Darna, pinatunayan ng mga GMA executives kung gaano nila kamahal si Marian Rivera. Sa opening pa lang ng event, nagsalita na ang mga GMA executives, na pinangunahan na ng Senior Vice-President for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante.
Ang pagbati niya kay Marian at sa buong staff and crew ng show, ay pagpapasalamat na rin sa lahat ng dumalo sa press launch ng Darna: “Thank you very much for being here. Once again, we are producing Darna after long deliberations by the creative team on how to present a new Darna. Hindi ba through the years every time may Darna, hindi naman nawawala ang popularity nito pero ang hurdle palagi ay kung papaano mo siya gagawing bago at kung papaano mo siya gagawing mas exciting. Ito na siguro 'yung Darna na nandoon na 'yung tension, nadoon na 'yung adventure, andun na 'yung tatakutin ka pero at the same time nandoon na rin ‘yung kikilitiin ka. Nakita niyo siguro sa mga snippets na we showed you na meron siyang comic side but there is definitely a serious side in this series of Darna, particularly on the side of Narda, 'cause never in the history of Darna na ipapakita mo talaga kung saan ba nanggaling si Narda. ‘Yun ‘yung napagkasunduan ng creative groupna hugutin ang istorya sa pinanggalingan talaga ni Narda.”
Idinagdag pa niya na the role of Darna is indeed for Marian Rivera.
“Marian is definitely the pefect choice for the part; hindi lang siya napakahusay na aktres, may karisma din siya, and she works hard to perfect her craft. Mula sa MariMar, sa Dyesebel, hanggang sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, napatunayan na ni Marian na siya ang tunay na reyna ng prime time. We are very confident na when Darna takes flight once more, she will again conquer the hearts of every Filipino.
“Eto rin ay isang birthday gift natin kay Marian, next week. Sa lahat sigurong ng Darnang nakita ko, ito ang bungisngis! Siya ang Darna na kahit na lumilipad eh nag-smile pa rin. Iba 'yung attack niya sa role ng Darna and this is a very delightful attack on the character of Darna."
Sa huli,nagpasalamat siya sa buong production at creative team ng show for making Darna another must-see series sa telebisyon.
“So once again to everyone, very impressive! Salamat! Mahabang series ito eh, kasi ang daming pwedeng gawin sa Darna, so thank you, each one of you. We know you are doing your best; alam natin na kahit umuulan ginagawa ninyo pa rin ang Darna. Mag-air tayo starting Monday (August 10, 2009) so sa tulong ninyong lahat, Darna is back in the air!”
Huwag palampasin ang muling paglipad ni Darna, ngayong gabi na sa GMA Telebabad!
Pag-usapan ang pagbabalik ni Darna sa iGMA Forum!
Puwede mo ring suportahan si Marian sa kanyang bagong show through her Fanatxt service. Just text MARIAN and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)
-
1. Posted by gaila
on October 13, 2009
you're the best girl ...
-
2. Posted by eiyeeieyee
on September 9, 2009
congratulations marian bilang darna at sa GMA your the best! sana magtuloy tuloy lang ang mga shows ni marian. sana rin ang cooking show ni marian na kitchen realista ay maging full length cooking show na, dahil marian is also fit best even in cooking, very natural and alive, full of life ang cooking.marian sana you stay loyal sa GMA at sa mga fans mo, sana wag kang magbago at lumaki ang ulo. i love you we, love you!
-
3. Posted by gie_27
on August 18, 2009
i love you...ang ganda mo talaga sa darna...sana hnd ka mag bago..Go go go..your # 1..
-
4. Posted by esiuol07
on August 15, 2009
Belated HAPPY BIRTHDAY MARIAN.........
-
5. Posted by arona
on August 12, 2009
marian, hapi brthday!!!!!!! mula marimar cnusubaybayan n tlag kita. fan u aq... im from la union. sana mbsa mo tong meseg q 4 u... idol n idol kita pati din si dong....kht anu p paninira gawin nila, ikw p rin ang idol ko. lagi ko panonoorin ang darna...Godbless.
-
6. Posted by meme
on August 11, 2009
goodluck sa darna marian.
-
7. Posted by rheanne_0214
on August 10, 2009
hi..happy b-day puh miss marian..ur the best..more power miss byutifull...rheanne_0214 luv's you...muahh..
-
8. Posted by snowfox
on August 10, 2009
please live stream nyo ang DARNA!!!! goodluck marian sa DARNA!
















