Article posted August 07, 2009
Rating:
Glaiza de Castro and Jackie Rice are showing the world na hindi lang pambida ang kanilang acting; kaya rin nilang painitin ang dugo ng mga taong nanonood sa kanila. Get to know more about the two and where they plan to take their careers next! Text by Jason John S. Lim. Interviews by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Jackie Rice
Nakilala bilang pasaway nung StarStruck: the Nationwide Invasion, Jackie Rice has since made good with her promise to be better. Kaya naman since appearing in Mars Ravelo's Dyesebel late last year, hindi na nawalan ng project ang dalaga!
"Mabait na po ako ngayon," reaffirms Jackie. "Wala na pong intriga!"
Asked kung bakit parang nawala siya from the limelight since appearing sa Fantastic Man, Jackie tells us na "wala lang siguro maibigay na tamang project for me." She defends her management, adding, "inaalagaan naman po nila ako nang maayos."
Instead of complaining, pinairal na lang ni Jackie ang kanyang patience. Kaya naman ngayon, sunud-sunod na ang projects niyaand she's getting what she wants!
"Gusto ko ma-try din yung paiba-iba," sinabi niya sa amin. "Gusto ko kasi natututo ako. [At] gusto ko lang, lahat ng ginagawa ko may pagbabago." She reveals to us na ayaw raw niyang ma-typecast sa isang klaseng role lang. She says na what she wants is for every role, "iba naman yung ipapakita ko."
Kaya for Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, Jackie is showing the world na kaya niyang maging bida-kontrabida with a role created specially for her!
"Masyado akong ambisyosa," natatawang kuwento niya sa amin. And though her role in Dyesebel is also a traitor, ibang level naman daw ang pagiging bida-kontrabida ni Mercedita, her role in Kung Aagawin.
And, as an added bonus, naipapakita niya ang range ng acting niya dito. And who doesn't want that?
"Gusto ko, siyempre!" she says.
Glaiza de Castro
"Driven ako sa work, eh," Glaiza de Castro shares with us nang makausap namin siya about juggling two shows at the same time: Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin and SRO Cinemaserye presents the Eva Castillo story.
She adds, "Inspired ako na magtrabaho pa talaga. Lalo na na maraming pumupuri, maraming nagkakagusto doon sa show namin, mataas 'yung ratings. So parang lalo kang ginaganahan."
Natutuwa nga si Glaiza na ngayon ay nabibigyang pansin na ang kanyang acting skills: "Ngayon lang ulit ako nagsunud-sunod. 'Yung ganoon? Ang sarap pala ng feeling na pagod ka, pero masaya ka pa rin."
At masaya rin si Glaiza na talagang affected ang mga tao sa kanyang portrayal bilang Gladys Andrada. Kuwento nga niya, matapos mag-live chat nina Maxene Magalona at JC Tiuseco, nagkuwento raw ang dalawa sa kanya ng nakuha nilang feedback about her character!
"Sinabi ni JC and Maxene sa akin, sabi nila (ng mga fans), 'Oy, asan ba si Glaiza? Gusto na namin siyang anoawayin!'" natatawa niyang kuwento sa amin.
While she did admit to being afraid of extreme negative reaction noon, hindi rin daw niya maialis sa sarili na matuwa dahil nararamdaman talaga ng viewers ang acting na binibigay niya.
She says, "Sa akin, okay lang naman na madala sila sa emosyonmagalit sila kay Gladys. Dahil, kahit ako nagagalit din sa kanya eh.
"Kapag binabasa ko 'yung script, talagang parang ang meanang mean talaga!" But she adds na sana maintindihan ng mga tao na isang character lang si Gladysand she is nothing like Glaiza! She says, "Magalit sila kay Gladys, wag lang sila magalit kay Glaiza."
Sa bigat ng role na ginagampanan niya, Glaiza is fortunate that she gets along well with the cast: "Sa set, okay naman kami; lahat kami nagbibiruan, lahat kami magkakasundo. Si Maxx kasi kalog, si Patrick [Garcia] kalog din. Si JC tahimik, pero nakikisabay. So lahat kami, 'yung personalities namin, talagang nagja-jive. So ayos kami lahat."
Add to that na, like Jackie, gusto ni Glaiza na nacha-challenge siya sa mga binibigay sa kanyang roles.
"I like playing offbeat roles," she begins. "Pero as much as possible gusto ko talaga, lahat magampanan ko."
At sa pagkakasabay ng Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin at SRO Cinemaserye, Glaiza says she's happy that people are seeing just how versatile she can be: "Makikita nila din 'yung kawawa naman [ako], tapos maiinis na naman sila. So ang daming sides ni Glaiza ang makikita nila."
To end, she thanks the loyal viewers of their show, Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, saying, "Sana patuloy niyong suportahan [ang show]," before really ending with another laugh, "at sana wag kayong maiinis sa akin!"
Kilalaning pa ang dalawa sa mga bagong bida-kontrabida stars ng GMAthrough iGMA Live Chat! Join the two today, August 7, from 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time) para isang masayang afternoon of chatting.
Ready na ba kayo? Chat na!
And don't forget na you have the option to be always updated sa mga ginagawa nina Glaiza and Jackie! Just text GLAIZA or JACKIE to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin airs every weekday afternoon, pagkatapos ng http://www.igma.tv/video/8107/Ngayon-at-Kailanman-Isang-simpleng-tanong>Ngayon at Kailanman sa nangungunang Dramarama sa Hapon ng GMA.
-
1. Posted by khiemii
on August 12, 2009
Go JACKIE RICE keep on shining!
-
2. Posted by khiemii
on August 7, 2009
nice chatting with ate pot ;]] ILY te postkie!
-
3. Posted by mam
on August 7, 2009
I really like Glaiza. She proved na she can act she is sooooo good in Kung Aagawin. Thanks GMA for choosing Glaiza as Eunice in Stairway to Heaven
-
4. Posted by rmc06
on August 6, 2009
hay nku, khit klan tlga hnde ko nagustuhan yan si glaiza noh.. lalo na ngayon kontrabida sha, bagay na bagay s knya.. pro mas lalo ako nairita..kya pg un na nag plabas gsto ko off ang tv..ang kso gstong gsto ko si maxinne.
















