Article posted August 06, 2009
Rating:
Sa pagtatapos ng 'Zorro' ngayong linggo, tiyak na mami-miss ng mga Kapuso viewers ang maskaradong caballero. Maging si Richard Gutierrez man, inaming nalulungkot siya sa pagpapaalam ng kanyang legendary character sa telebisyon. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Isang malungkot na Richard Gutierrez ang nakausap ng iGMA sa thanksgiving party ng Zorro. Aside from the fact na bilang na ang mga araw ng show sa telebisyon, sumabay din dito ang pagsasampa ng kaso ng asawa ng namayapang si Nomar Pardo, ang dating personal assistant ni Richard.
Kasama ang kangyang legal counsel, ipinahayag ni Richard sa press ang kanyang disappointment sa mga pangyayari.
"Hindi ko alam kung paano napunta sa ganitong klaseng sitwasyon na kailangan pa nila na magpa-interview sa TV, i-announce sa TV na magsasampa sila ng kaso. Kung gusto nila talaga ng hustisya, bakit pa nila kailangang magpa-presscon? Bakit hindi na lang sila magsampa ng kaso? Ang ibig sabihin, gusto rin nila na i-damage 'yung image ko, 'di ba? Mahirap na hindi sumagi sa isip ko na may mga tao sa likod ni Lorayne, pero now I don't wanna make statements regarding that. Pero I will admit, minsan dumadapo 'yon sa isip ko," ang madamdaming pahayag ni Richard.
Kasalukuyang nasa taping siya ng Zorro sa Bataan nang makaabot sa kanya ang balita tungkol sa demanda at mga pahayag ni Lorayne sa press. Ikinalungkot nang husto ng aktor ang mga nangyari, ngunit kinakailangan na ituloy ang kanyang pagte-taping dahil mga importanteng scenes ang kinukunan ng araw na ‘yon.
Professional and dedicated to his craft, nang mag-roll ang mga cameras, hindi mo mahahalata na may dinaramdam ang aktor. Pero, hindi naman siya pinabayaan ng kanyang mga co-actors at kaibigan who were mostly concerned about his situation, kaya naman laking pasasalamat ni Richard sa suportang natanggap niya from them.
“I would like to thank my friends and my family for their unconditional and unwavering support. Because I have them behind me, I am able to meet this painful challenge,” ang sabi ng binata.
Katulad ni Zorro, Richard is facing a lot of challenges in his life right now. We only wish that like Zorro, he will also have the courage to see all of these through. In the meantime, huwag palampasin ang mga huling araw ni Richard as the masked crusader. More revelations, conflicts, and plot twists ang mare-reveal sa finale week ng Zorro, kaya panoorin ang mga nalalabing araw nito, weeknights sa GMA Telebabad block.
Pag-usapan ang pagtatapos ng Zorro sa iGMA Forum!
Puwede mo ring suportahan si Richard through his Fanatxt service. Just text RICHARD and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)
















