Regine Velasquez: "Iba na si Eva."
Article posted July 30, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Now that na-feature na sa 'SRO Cinemaserye' ang life story ni Eva Castillo, nagbago na nga ba ang kababata ni Ms. Regine Velasquez? Tinanong namin ang Asia's Songbird about this at pinatotohanan nga niya na iba na si Eva ngayon. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

starsNang dahil sa recent birthday concert ni Regine Velasquez, ang Roots to Riches, nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanyang dating matinding kalaban pagdating sa kantahan; ito ay noong nagsisimula pa lamang ang Asia's Songbird na sumali sa mga singing competition. Ang karibal na iyon ay si Eva Castillo, na kanyang pinakilala sa buong Pilipinas during the concert, at tinulungan pang makapasok sa showbiz.

Ngayong unti-unti nang nakikilala si Eva at nabigyan ng pagkakataon na maisadula sa telebisyon ang kanyang life story, maraming nakakapansin na may malaking pagbabago na nangyari kay Eva, including Ms. Regine Velasquez herself.

"Naniniwala ako sa talent ni Eva; hindi naman ako napahiya. Magaling talaga siya, 'di ba? I always say nga na noong first time na nagkita kami after ilang years, I coud really see how sad she was. Parang ang baba talaga ng self esteem niya. But now after Roots to Riches and when I came home from the States, nakita ko siya sa SOP, iba na siya! Iba na si Eva. Meron na siyang glow. Nagtwi-twinkle na ang kanyang mga eyes at parang natuwa naman ako. Kasi parang dati kasi, nawalan siya ng life, but now parang she is full of life!" ang naging pahayag ni Regine tungkol sa kanyang one-time rival at ngayon, kaibigan.

Inamin din niya na masayang-masaya siya para kay Eva dahil maraming tumutulong dito and she is also doing her best para tulungan din ang kanyang kababata.

"Sa ngayon, sinusuportahan ko talaga siya sa career niya and ginagawa niya. Sana magtuloy-tuloy talaga. I heard na maraming taong interesado sa kanya. I'm not promising anything, but I am trying to [help] as much as I can kasi ayokong nangangako, basta I am talking to some people," says Regine, na halatang very concerned kay Eva.

Mapapanood na natin ngayon ang life story ni Eva Castillo sa SRO Cinemaserye, every Thursday night right after GMA Telebabad. Regine and Eva will also be seen performing together in another concert next month, entitled Most Requested. Isa si Eva sa guests ni Regine sa nasabing concert.

Pag-usapan ang topic na ito sa iGMA Forum.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by bubblekiks on August 1, 2009
    I admire Regine's humble and generous heart. Never did she forget where she came from and the people who helped her on her way to stardom!
  2. 2. Posted by khent_0008 on August 1, 2009
    Ang galing mo talaga eva,,,ibang iba ka na ngayon..sana magtuloy tuloy na yang swerte mo..at sana di ka magbago..sbi nga nila..'God is our good provider'..kaya nga you always thank for him..na sa tagal mang dapat ay marating mo na..ayun..narating mo na rin ang pangarap mo...Goodluck Miss Eva!!....
  3. 3. Posted by soapie on July 31, 2009
    congrats ms eva!!! u deserve it!!!' huli man at magaling!!! maihhabol pa rin!!
  4. 4. Posted by andromeda_nebula on July 30, 2009
    sana magtuluy-tuloy na yang swerte nya. sobrang haba na rin ng panahon na naghirap sya dahil lang sa tumanim sa ulo nya na hindi ang tulad niya ang sisikat dahil sa hitsura. sana lang din, pag gumanda ang buhay nya ay magpasalamat sya sa lahat ng tumulong sa kanya and of course, sa Diyos at hwag din syang magbabago.
  5. 5. Posted by codename_adik on July 30, 2009
    i like the song of Kung Agawin Man ang Lahat sa Akin..ang ganda ng boses ni Eva.
  6. 6. Posted by alvina on July 30, 2009
    I love Eva. Napaka pure ang boses niya at saka hindi siya oa kumanta. Halos lahat ng kanta niya maganda
  7. 7. Posted by egine_layka on July 29, 2009
    hi regine u look so cute

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.