Mark Anthony: "Ito ang oras na nababagay ako."
Article posted July 25, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Para sa mga observers, Mark Anthony Fernandez is on a roll. Tampok na naman siya sa isang malaking prime time show ng Kapuso network, ngunit, para sa kanya, ang suwerteng ito ay dala lamang ng pagkakataon. Text by Erick Mataverde. Photos courtesy of GMA Network.

Siyempre ang proyekto na tinutukoy natin ay ang Narda, kung saan mapapanood sa pinakaunang pagkakataon ang tambalan nila ni Marian Rivera.

stars"Well, naniniwala naman ako na artista siya, artista din ako," ang tugon ni Mark Anthony Fernandez nang tanungin kung anong klaseng chemistry dapat abangan ng mga manonood sa kanila. "At 'tsaka paniniwalaan ko ang mga direktor—sila Direk Dom (Zapata)—kung ano ang mga utos nila sa amin at papagawa sa amin. Ngayon, basta gagawin namin ng maayos 'yun, sana mag-click. Sigurado naman maganda ang lalabas."

Matatandaan natin na isa siya sa mga kinagigiliwan nating mga Gwapings in the early '90s. Ngunit dahil sa mga pagsubok sa kanyang buhay, nawala din siya ng ilang taon from the limelight. Pero sa kanyang pagbabalik, naging sunod-sunod din ang kanyang suwerte.

Simula nang kanyang pagbabalik-Kapuso sa Impostora, hindi na tumigil ang kanyang mga projects. And, nataon din na lahat ng kanyang mga naging projects ay mga consistent top-raters. Ating matatandaan na late last year and early this year, Mark was cast in two high-rating prime time shows, Luna Mystika and All About Eve.

Kaya aming tinanong din kung siya na ba ay maipa-pares sa iba pang bankable hot male Kapuso stars.

"Nagkataon [lang] na talagang ito ang oras na nababagay na kasali ako," ang kanyang walang yabang na sagot.

Pero hindi lang sa success ng kanyang career siya humble. Pati na din sa kanyang kapalaran na makatambal ang pinaka-hot na Kapuso female star na si Marian Rivera, lalo na't very successful ang previous love team ng dalaga with Dingdong Dantes.

Pahayag ni Mark, who plays Eduardo, sa comparison: "Siyempre, may kaunting pressure. Alam ko big shoes to fill 'yun! Basta ako, iniisip ko lang na gagawin ko lang ang one hundred percent ko kung anong kaya kong dalhin as an actor."

Sino naman ang inspiration ni Mark ngayon sa trabaho?

At ang nakaka-touch niyang sagot ay ang kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez na "…kung hindi man 'yung spirit niya, 'yung mga tinuro niya sa akin [ay] laging nasa pandinig ko."

Kaya din imbita ni Mark sa lahat ng sumusubaybay sa kanya, "Sana po suportahan niyo yung bagong proyekto namin, 'yung Darna, malapit na pong lumipad. Hindi lang po pambata, pang-matanda, pang-buong pamilya, pang-lovers, [mga may] LQ, kahit ano po! Abangan niyo po 'yung Darna!"

Pag-usapan si Mark Anthony at ang kanyang panibagong project na Narda. Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by winX on August 2, 2009
    sobrang gwapo mo at sobrang galing mo umarte!
  2. 2. Posted by aprilgurl on July 27, 2009
    Hi, Mark. u are a very good actor. Do keep up the good work. I hope GMA7 will continue to give you more projects and more challenging roles. U r so good that anyone they pair with you will always come out great.
  3. 3. Posted by mamabelle on July 27, 2009
    I admire Mark Anthony. I watched him grow; saw his journeys, his ups and downs. I am glad that he came out of his drug problems strong and slowly making a Mark in the Industry. He is a Survivor of the highets degree. Keep it up. I am a Marianknight and I will support Mark Anthony!
  4. 4. Posted by ryanne2005 on July 25, 2009
    di bagay si mark at marian.... mas gusto ko pa sila mark at iza, sa all about eve... kakakilig sila dun..
  5. 5. Posted by chesxca on July 25, 2009
    hmmmm. i'm dropping to say HELLO . i'm your NO.1 FUN . AlWaYs TAKE CARE and KEEP SAFE . MWAH ! Muer POWER . GOOD HEALTH . THANK YOU .
  6. 6. Posted by pygmy on July 25, 2009
    Definitely not for anything else, Mark .... you deserve to be on top coz you're a great actor. Magaling ka umarte at ang gwapo mo pa. Good luck on your new tv series, Darna. I'm sure mag click ang team-up niyo ni Marian Rivera.

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.