Article posted July 22, 2009
Rating:
Maraming nakakapansin na lagi na lang nagbibihis babae si Ogie Alcasid sa kanyang mga shows and movies, kaya naman he explained kung bakit nang ma-interview siya ng iGMA. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Dalawa ang pelikula ni Ogie Alcasid ngayong taon kung saan makikita siya ng mga manonood na magdadamit babae. By end of July ipapalabas na ang Oh My Girl! (OMG) at sa September naman scheduled lumabas sa mga sinehan ang Whatever Yaya! Spoiled Brat: The Movie where Ogie portrays one of his famous characters, si Angelina. Kaya naman, we can't help but ask Ogie kung bakit parang puro babae ang mga characters niya.
"Dito naman sa movie (OMG) hindi naman ako girl all the way eh. Mga 60% I think I’m [a man]. Lalaki talaga ko dito. Actually, lalaki talaga ko sa tunay na buhay eh. (Laughs)," ang pabirong paglilinaw ng singer/songwriter/comedian.
"'Yung character ko parang nag-Tootsie. The name of my character is Frida, parang road manager siya ni Darling (Judy Ann Santos)."
Does this mean may identity crisis ang character niya sa movie?
"Wala naman! Kaya lang kasi may naging complication sa family ko. Kasi my father, ang tatay-tatayan ko who is Roderick Paulate is actually...parang ang dating niya sa amin ay bading," adds Ogie.
"Eh nung nahuli niya kong nagco-cross dress parang sinisisi niya 'yung sarili niya. Parang sinabi nya sa sarili niya, 'Kasalanan ko 'to eh!' Akala niya nagiging bading na ako...Iyon 'yung crisis sa pamilya namin."
Obvious na tuwang-tuwa si Judy Ann tuwing makaka-eksena niya si Frida. Sanay na ba siyang makita si Ogie na nakadamit babae?
"Oo! Nasanay na ko! (Laughs) Malapit ko na nga siya ilagay sa phone ko eh. Gagawin ko na siyang wallpaper!" ang natatawang sabi ni Juday.
Kaabang-abang talaga ang romantic comedy flick na ito. Bukod sa star-studded ang cast ng OMG, nakakatuwa din ang nakakalokang scenes nina Ogie at Juday. Kitang-kita ang rapport ng dalawa on and off cam.
Judy Ann stresses, "Ito 'yung unang pelikula na ginawa ko na nabuo out of friendship with Ogie na mas matagal kong naging kaibigan kaysa katrabaho."
Dagdag pa niya, "Iba 'yung character ni Ogie, iba 'yung character ko. Ito 'yung character na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. So, sana magustuhan ninyo. Sana 'pag ipinalabas 'to eh mapatawa namin kayo. 'Yun lang naman 'yung pinaka konsuelo namin kapag pinalabas itong pelikulang 'to eh.
"Mahirap talaga gumawa ng comedy pero pag naririning mo na 'yung mga tao na tawa ng tawa sa loob ng sinehan, parang, 'Okay tapos na. Nagawa at naka-graduate na kami sa paggawa ng pelikulang 'to.'"
Kaya naman huwag palampasin ang romantic comedy ng taon! Abangan sa mga sinehan simula sa July 29.
Pwede ka ring humingi ng updates from Ogie himself through his Fanatxt service! Just text OGIE to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Pag-usapan ang pelikulang ito sa iGMA forum.
















