Article posted July 21, 2009
Rating:
Naging madamdamin ang press conference na naganap noong Friday, July 17, 2009 sa GMA Network ng i-launch ang 'SRO Cinemaserye presents The Eva Castillo Story'. Alamin kung bakit hindi napigilang umiyak ng mga artista at press na dumalo sa event na ito. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Simula sa July 23, ang touching story ni Eva Castillo ay mapapanood na natin sa pinaka bagong SRO Cinemaserye. First time ito na magfe-feature na isang biopic (biographical picture) sa serye at napili ng GMA na i-highlight ang madamdaming buhay ni Eva Castillo ang kababata ng Asia's Songbird na si Ms. Regine Velasquez.
Present sa launch si Ms. Manilyn Reyes and Glaiza de Castro who will both portray the character of Eva. And to show her support, dumalo din sa event si Ms. Regine Velasquez, who gave a touching message para sa kanyang kababata:
"Natutuwa ako kay Eva dahil nandito na siya ngayon. 'O kita mo sabi ko sa 'yo, habang nabubuhay ka, hindi ka failure. Naniniwala ako na hindi ka magfa-fail unless you stop. So binigyan ka ni God ng second chance at talagang pinagbubutihan mo. I've been hearing good things about Eva since I got back from the States, so maraming salamat sa lahat ng tumutulong kay Eva".
Idinagdag pa niya na masayang masaya siya dahil unti-unti niyang nakikitang nagbabago ang kanyang kaibigan at she's is very thankful dahil marami ang nagmamalasakit kay Eva.
"Kapag mabuti kang tao, nabibigyan ka naman talaga ng pagkakataon. Siguro 'yung konting patience lang like in Eva's case matagal tagal lang ng konti pero dumating din naman sa kanya. I am really very happy that a lot of people are helping her, si Direk Louie (Ignacio) and of course ang GMA. Sila kasi talaga ang mga taong nagbigay ng pagkakataon kay Eva," ang madamdaming pahayag ni Regine.
Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Eva na lumuha habang nagpapasalamat sa kanyang dating kababata at mga bagong kaibigan.
"Si Regine po talagang unang angel na hulog po ni Lord, kung baga siya po 'yung ginamit ni Lord. Naiiyak na naman ako. Siya po ang ginamit ni Lord para mapunta po ako dito. Siguro po, kung hindi niya naisip na ipahanap ako, hindi ko po mararanasan ito," ang naiiyak na sabi ni Eva during the press conference.
"At saka po kay Tatay Louie, sa GMA po at sa lahat po ng mga taong nararamdaman kong gusto ninyo ako tulungan, maraming maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon. Akala ko po noong magkita kami ni Regine sa Roots to Riches hanggang doon na lang po. Eh ngayon po, meron na akong The Eva Castillo Story. Salamat sa inyong lahat!"
Panooring ang touching story ng singing sensation na minsang naging karibal ni Ms. Regine Velasquez sa SRO Cinemaserye presents The Eva Castillo Story. Directed by Jun Lana, simula na sa July 23, 2009 right after GMA's Telebabad block.
Pagusapan ang bagong SRO sa iGMA forum.
-
1. Posted by mynhorbz
on August 24, 2009
galing tlga ni ms.eva castillo inabangan ko tlga ang roots to riches para mkita ko kung sino ka ba tlga..pero lam mo ba na-touch ako sa story mo at naiyak,sobra..idol na rin kita ngayon..sabi nga ni ms.regine(my idol) dont stop dreaming and singing kc habang my buhay may pag-asa pa..sana lalo mo png pagbutihin..susuportahan k nmin eva..we love you ms.eva and ms.regine..kakahanga kayo pareho..
-
2. Posted by marilousegismundo
on August 12, 2009
I think EVA , REGINE and MANILYN in concert will be another hit... All of them have a GOLDEN VOICE... You still have it MANE..
-
3. Posted by marilousegismundo
on August 12, 2009
I am so happy for you Eva and Regine Thank you for choosing Manilyn
-
4. Posted by shanemadla
on July 30, 2009
ang galing ni glaiza dito.. di ko pa napapanuod yung idol ko na si manilyn reynes sana mamayang gabi mapanuod ko na sya sa sro..napanuod ko rin ung mel n joey parang kambal si mane and eva kasi pareho silang chubby..
-
5. Posted by kkaeru_x
on July 24, 2009
After seeing last nights' show, i prayed that our Good Lord would save and protect kids who are maltreated and are downed. Those helpless kids who falls with ill mannered adults. Maaga palang and Eva have to face those. More power Eva!!
-
6. Posted by reigningbutterfly
on July 21, 2009
ang bait talaga ni songbird... no wonder why so many people admire and loves her (syempre isa na ako dun! ADIK nga eh!!!) :))
-
7. Posted by labmykids
on July 21, 2009
grabe ang galing mo Eva! napuyat ako sa kanonood sa youtube maski nga naiyak na ung 5 month old baby ko halos ayokong bitiwan ung laptop, pati kids mo ang gagaling din, nakaka inspire ung story mo, u just proved that God truly answers our prayers in HIS time, u give hope to those who desperately needs it sama na ko dun. You sing from the heart kaya like na like kita talaga, kahit paulit ulit kong pakinggan boses mo hindi nakakasawa natatawa nga husband ko kse obsessed na daw ako, korek! for the first time naging avid fan ako at 42!!! dati pabasa-basa lang ako ng comments aba now post na din ako ng comment. waiting for your launching album and sana mag concert ka d2 sa Los Angeles, pipila ako, sa mga producers, sana produce nio si Eva ng show d2 sa LA sigurado patok un, my relatives and friend are also fans of Eva para kang Swine Flu na biglang umappear at nag spread nakakahawa talaga ang pagka adik sa u! More power to u and to Regine who will surely be blessed even more for her good deeds
















