Article posted July 14, 2009
Rating:
Ang number one rule ng love teams, hindi puwedeng hindi magkatuluyan ang mag-partner by the end of their story. And it's no different sa 'All My Life'kaya para kay Kris Bernal, alam at accepted niya na mas matindi ang trabaho ngayon para maiba ang tingin sa kanila ng mga viewers. Text by Jason John S. Lim. Photo by Connie M. Tungul.
Aminado si Kris Bernal na naging biglaan ang dating ng All My Life sa career niya at ng love team partner na si Aljur Abrenica. "Kumbaga, hindi rin namin alam agad na may planong show para sa amin sa gabi, nabigla din kami."
She adds na medyo naging mabilis daw ang lahat ng pangyayari. Pero, "happy kami kasi dahil nga sa success ng pang-hapon na show namin, nabigyan kami ng pang prime time."
Though, since nag-aaminan na rin naman, Kris says hindi pa rin daw talaga nagsi-sink in sa kanya ang pagkakaroon ng prime time series na pinagbibidahan nila ni Aljur!
"Bagay ba sa akin mag-leading lady?" Tanong ni Kris sa amin during the interview. "Mahihilera ba ako sa [mga leading ladies ng GMA]?" Not to get her wrong, Kris reiterates na masayang-masaya siya ngayon, "sobrang excited" pa nga raw.
"Pero talagang hindi maiwasan 'yung kaba sa akin," Kris confesses.
Kuwento pa ng dalaga sa amin, lagi raw niyang kinakausap ang director nilang si Mac Alejandre para masiguradong naibibigay niya ang best niya sa bawat eksena: "'Yung pinaka-feeling ko ngayon, aside doon sa, siyempre, nakakataba ng puso at overwhelmed, talagang kabadong-kabado ako."
Isa ang All My Life sa mga original soaps ngayon ng GMA-7, and as such, kahit ano ang puwedeng mangyari sa takbo ng istorya. Romina (Kris Bernal) will soon get a fiancé na gagampanan ni Paulo Avelino, while Jules (Aljur Abrenica) has a shoulder to cry on naman in the guise of Maricar (LJ Reyes).
"May love triangle din kami," Kris tells us. Pero, according to her, walang kailangan ipangamba ang fans ng AlKris. "In the end, alam naminkami."
"Kami sa huli," inulit ni Kris. "Pero sana masaya [ang fans] na kahit papaano, sinusubukan din kaming makasama sa ibang pairs. At least nao-open kami sa ibang love teams."
Inamin ni Kris na masarap ang feeling na sinusubukan silang i-pair with other artists. "Pero ako," Kris confesses, "iba talaga pag katrabaho si Aljur eh. Kumbaga, talagang sanay na sanay na ako."
Relive the trials of forbidden love every afternoon sa pinaagang GMA Telebabad! Catch All My Life weekday afternoons pagkatapos ng Hole in the Wall!
And don't forget rin na you can be connected to Kris 24/7through Fanatxt! Just text KRISB to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
-
1. Posted by alkris10
on September 7, 2009
galing tlga ni ate kris!! u're the best!! God bless poh and more blessings to come!!!
-
2. Posted by gil_ann1124
on July 19, 2009
go go go go, ALKRIS more blessings 2 come, w8 nmin ung movie nio,
-
3. Posted by alkrisfurever101
on July 19, 2009
ang galing poh ninyo ate kris at kuya aljur!!
-
4. Posted by gennylenz
on July 18, 2009
ang gnda ng all my life..nakaka inluv ang tambalan nio ni aljur.....sna pagbutihan mu pa..go kris kaya mu yan idol......
-
5. Posted by jvm112706
on July 17, 2009
galing mo talaga kris..bonggang bongga ang acting mo..salamat
-
6. Posted by tsuperchin
on July 14, 2009
ang kulit ni Kris! panalo ang mga sagot. galing-galing mo na talaga! mas pagbutihan mo pa ang acting mo para lalo nilang makita na deserving kang maging leading lady sa primetime. Wag kang mahihiya at mai-insecure sa iba. Kayang-kaya mo yan. Go, go, go!!!
-
7. Posted by gil_ann1124
on July 13, 2009
gnda tlg ng all my grabe...go alkris
















