OMG! Ang romantic comedy movie ng taon
Article posted July 08, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Isang romantic comedy movie na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid ang scheduled ipalabas by the end of July. Bukod sa ito ang unang pagsasama ng dalawa sa pelikula, very proud sina Juday at Ogie sa kanilang movie. Alamin kung bakit. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio

starsOMG! (Oh My Girl!) is a film produced by Regal Films, which stars Judy Ann Santos and Ogie Alcasid. Isa itong pelikula na umiikot sa entertainment industry kung saan makikita ang sari-saring mga characters na maaring familiar na sa atin.

"Concept ni Regine ito pero kami na 'yung tulong-tulong na nag-develop," ang pahayag ni Direk Dante Nico Garcia, na siyang director ng movie. "They took me in [noong] hindi pa ganon kabuo 'yung story so madami-dami na din akong input sa naging takbo ng story at sa mga bagay-bagay. Pero basically, kuwento siya ng friendship. It so happened na artista ‘yung role ni Juday dito kaya 'yun, mukang may showbiz factor. Pero ako, be it showbiz friend or not, makaka-relate ang mga viewers."

Dagdag naman ni Juday na although comedy itong pelikula nila, it serves an important purpose for her.

"Ang pinaka-goal ko na talaga kasi dito is for the people to understand kung ano ba talaga ang trabaho ng isang artista. Ano 'yung nararamdaman ng mga artista 'pag maraming-maraming intriga!

"And, at the same time sana, 'pag pinalabas 'tong pelikulang 'to, maintindihan ng mga tao na ang artista tao lang—hindi robot! Na may panahong napapagod, may panahong problemado—[in short] normal! Ang pagkakaiba lang, nasa telebisyon, nasa pinilakang-tabing [kami]. More than that, wala. So, sana maintindihan nila na kapag halimbawang may artistang hindi nakangiti o ano, siguro puwede nilang isipin na 'Aah, baka pagod.' Kasi 'di-hamak namang mas matindi 'yung trabaho namin kesa sa mga 24/7 na employees, 'di ba? Kasi kami, we always have to look good in front of the camera. We always have to look good in front of the people! So doble-dobleng effort. So, 'yun lang! Sana 'pag pinalabas 'to, makitaan nila ng ibang light 'yung trabaho ng mga artista," ang mahabang pahayag ni Juday, na obvious na nakaka-relate sa kanyang character na si Darling.

starsOpposite Juday is her good friend Ogie Alcasid who plays two characters—Biboy and Frida.

"Dito naman sa movie, hindi naman ako girl all the way—sixty percent, I think, lalaki talaga ako dito. Actually, lalaki talaga ako sa tunay na buhay (chuckles). 'Yung character ko parang nag-Tootsie. The name of the guy is Biboy, he is a simple guy pero romatiko, then 'yung si Frida, parang road manager ni Darling," kuwento ni Ogie sa iGMA.

Inamin din Ogie na this movie made him proud dahil for the first time, isa siyang leading man dito.

"It is the first time I've—'cause Juday is paired always with a matinee idol, someone like Piolo or Ryan. It is the first time that she is partnering with me. It has always been my dream to do romantic comedies in the real sense of [the term] kasi 'yung mga ginagawa ko noon, it is still the old school form of comedy. It is the first time that I am doing it with a legitimate dramatic actress, and I am so honored she accepted."

Kaya naman huwag palampasin ang romantic comedy ng taon, ang Oh My Girl! Panoorin ito this July 29 na!

Pag-usapan ang first team-up ni Ogie at Juday sa iGMA Forum!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by tsuperchin on July 8, 2009
    am sure this will be lots of fun lalo na kasam ni ogie si juday. natural kc ang acting prowess ni juday. kakatuwa nga yung trailer eh. well, sana naman mag-click talaga ito sa audience. good luck sa movie!
  2. 2. Posted by chubby_06 on July 8, 2009
    suggestion lang po....... kaya po hindi nagrate ang pilot episode ng rosalind at adik sayo dahil ang pangit ng umpisa. pati pa pala ung all mylife. pero papanoorin ko parin dahil kapuso ako. lalong lalo na ang adik sayo paganda na ng paganda ang storya nkakakilig ung kumanta c karen at dinedicate nito ky ruben. grabe nakakakilig talaga!
  3. 3. Posted by chubby_06 on July 8, 2009
    kala ko va nasa adik sayo si eugene? bkit wala pa sya sa adik sayo? iniintay ko sya e. ang tagal tagal.

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.