Isabel Oli backs out of playing Babaeng Tuod in Narda
Article posted July 07, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Isabel Oli prioritizes her family over her career.

Last Wednesday, July 1, ay nag-story conference ang Narda ni Marian Rivera kung saan na-announce ang cast. Noong Linggo, July 5, may pagbabago na rito.

starsPinagpalit sina Ehra Madrigal at Maggie Wilson ng natokang characters; si Ehra na ang Babaeng Lawin at si Maggie ang Babaeng Linta. Si Isabel naman, nag-backout na bilang Babaeng Tuod.

Kararating pa lang ni Isabel mula Singapore noong Biyernes, July 3, at alam na niyang siya ang Babaeng Tuod sa Narda. Alam niya ring makakasama niya sa serye ang kanyang ex-boyfriend na si Paolo Contis, na gaganap na Cobra, at ang ex-best friend niyang si Nadine Samonte, na siya namang Babaeng Impakta.

Nang marinig namin ang pagba-backout niya, tinext namin si Isabel kagabi, July 6, upang alamin kung bakit siya nag-backout. Mabilis naman siyang tumawag sa amin.

"Kailangan, e," bungad ni Isabel sa PEP sa pagsagot ng aming text. "Si Papa is not really that well. Biglaan nga ang dating nila ngayong gabi ng alas-dose [Monday midnight], dito na muna siya."

Cerebellar degeneration ang sakit ng ama ni Isabel na naka-base na sa Singapore dahil nandoon ang ilan sa mga kapatid niya. Noong una, inakalang Parkinson's disease ang karamdaman ng ama ngunit hindi pala.

Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, "Cerebellar degeneration is a disease process in which neurons in the cerebellum—the area of the brain that controls muscle coordination and balance—deteriorate and die."

"Isa-isang tinatamaan ang mga organs niya," sabi ni Isabel. "Una ang legs lang, tapos stomach, then lungs. Bago ako umuwi, throat na

Bago pa man magpasimula ng issue, hindi raw iniiwasan ni Isabel sina Paolo at Nadine na makasama kaya siya nag-backout sa Narda.

Paliwanag niya, "Alam ko nang kasama sila sa series noong sinabihan akong kasama rin ako, di sana doon pa lang nag-backout na ako? Si Nadine, gusto ko na ring makausap para magkaayos kami. Si Paolo, naka-move on na ako sa kanya.

"Mas kailangan lang talaga ako ng daddy ko ngayon dahil hindi rin namin alam kung ibabalik ba agad siya sa Singapore o dito na talaga magpapagamot. Sino ba ang hindi nangangailangan ng trabaho, lalo na ako ngayon? Kaya lang, hindi talaga puwede kasi beck and call kaming lahat ngayon ni Papa.

"Sinabihan ako ni Ms. Wilma [Galvante] na hahanapan niya na lang ako ng ibang trabaho kapag naayos na namin ang schedule ng pamilya namin," pagtatapos ng GMA Artist Center star.

At press time, wala pang napipiling aktres na papalit sa role ni Isabel bilang Babaeng Tuod sa Narda. PEP.ph

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by chubby_06 on July 8, 2009
    hindi k masyado pinanood ung rosalinda nung lunes. medyo pangit ksi. pero ngaun malaki na cla papanoorin ko na c carla at ang pagtataray ni fedra.
  2. 2. Posted by chubby_06 on July 8, 2009
    sayang namn isabel. bagay pa namn sau ung role na babaeng tuod. alagaan mo nalng ang tatay mo. hindi ka namn pababayaan ng gma e.
  3. 3. Posted by jojo_cas on July 7, 2009
    Keep it up Isabelle.. Just Pray!!

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.