JC Tiuseco, mukhang kawawa?
Article posted July 04, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Sa kanyang first drama role, JC Tiuseco reveals na gusto niyang ma-explore ang mga kakayahan niya sa larangan ng pag-arte. Text by Jason John S. Lim. Interviews by Erick P. Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

Sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin JC Tiuseco plays Troy, ang role na unang ginampanan ni Tonton Gutierrez sa original movie. Tahimik at medyo torpe, kinukuwento ni JC na may gusto ang character niya kay Maureen na ginagampanan ni Maxene Magalona.

"Maganda 'yung movie," JC tells us, having watched the original in preparation para sa kanyang role. Natatawa nga lang daw siya sa role ni Troy habang pinapanood ito. "Kasi, parang nakikita ko 'yung sarili ko doon eh. 'Yung tahimik? Sabi ko nga, 'Parang ganito ata ako, ah.' Kaya ayun, natatawa ako habang pinapanood ko 'yung movie."

starsPero kung natatawa si JC nung nagpe-prepare pa lang siya for the role, ngayon, nahihirapan naman daw siya: "Kasi 'yung role ni Tonton Gutierrez, 'yung kawawa siya eh. Kinakawawa siya, probinsyano, medyo kawawa siya sa pinsan niya.

"Eh sabi nga ng teacher ko sa workshop, hindi ako mukhang kawawa kasi nga malaki ako," JC tells us. Ito daw ang kanyang pinagtutuunan ngayon ng pansin. "Nagwo-work ako na magmumukha akong maliit, magmumukha akong kawawa."

Kaya nga wish ni JC, sana tutukan ng viewers ang Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin: "Ito 'yung first [dramatic] role ko, sana magustuhan niyo."

Makikita natin kung paano ito gagawin ni JC next week, sa unang pagkakataong magkakaaway ang magpinsang Troy at Arvin (Patrick Garcia). And then you can tell us what you think—kung magtatagumpay ba si JC na gawing mukhang kaawa-awa si Troy.

Or, you can tell JC himself when he joins Maxene Magalona sa iGMA Live Chat on July 10! From 4 p.m. to 6 p.m., samahan natin ang dalawa sa dalawang oras ng chikahan! Siyempre, dito lang 'yan sa iGMA.tv!

Siyempre pa, you can also be updated sa mga pinaggagawa ni JC through Fanatxt! Just text JCT to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by donzcute on January 10, 2010
    ahm msasabi ko lng ky jc sana ay galingan p nya ang knyang pag arti pra hindi cya mpag tripan ng mga taong mkakati ang dila...
  2. 2. Posted by meizikudar91772 on December 5, 2009
    alam mo kahit bago cya dapat pagbutihin na nya ang pag-arte kung talagang gus2 nyang maging ckat cya.ang sabhin mo, wa effect cya.
  3. 3. Posted by kathcuttie on July 28, 2009
    di pa xa ganong mgaling umarte,ngccmula palang kaxe xa,,,,pero gusto ko xang artista,,,,
  4. 4. Posted by starwars on July 24, 2009
    parang di naman bagay kay jc yung mga pa sweet sweet na roles
  5. 5. Posted by rhebecka on July 4, 2009
    lagi kame nano2od ng kung aagawin mo ang lahat sa akin,bago plang c jc pero magaling na siya.........pwede po bang irepley ung my secret garden tska ipalabas poh ung legend of the condor heroes....salamat.........maghihintay aqoh..........

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.