Article posted July 02, 2009
Rating:
Naging isang makahulugang pulong ang Darna story conference kagabi, July 1, 2009, nang i-introduce ng GMA Network ang cast at istorya ng pinakaabangang pagbabalik ng paborito nating superhero sa telebisyon. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio.
Ang cast ay pinangungunahan ni Marian Rivera, bilang Narda at Darna; Mark Anthony Fernandez, as Eduardo; si Iwa Moto, bilang Valentina; Paolo Contis, as Kobra; si Angel Aquino, as the previous Darna; Alfred Vargas, bilang Tristan; at Celia Rodriguez, sa papel na Perfecta.
Kabilang din sa stellar line-up na ito ay sila Nadine Samonte, Ehra Madrigal, Francine Prieto, Robert 'Buboy' Villar, Raymart Santiago, Jestoni Alarcon, Rita Avila , Janice de Belen, Bearwin Meilly, Roxanne Barcelo, at Caridad Sanchez.
"This is a very huge project, simula nung nag-number one ang GMA, ito ang first time gagawa ng panibagogagawa tayo ng iba. This is a re-imagining of Darna. May ibibigay tayo na bago, hindi lang bagong mukha ni Darna, pero may bago tayong ibibigay na pag makita [ng audience, sasabihin nila], 'Eh tama naman pala gumawa ng bagong Darna!' Ganyan ang attitude natin," ang pahayag ni Direk Dominic Zapata sa cast kagabi. Kabilang siya sa dalawang direktor ng show, kasama si Don Michael Perez.
Ang creative team naman ay pinamumunuan din ni Jun Lana bilang headwriter.
"Actually, nakakatuwa. Halos lahat ng cast eh talagang malapit sa puso koandyan si Nanay Rita, andyan sila Nadine, tapos si Ehra. So halos lahat sila talagang malapit sa puso ko at laking pasasalamat ko at tinanggap din nila 'yung project kung saan makakasama ako," ang banggit ni Marian matapos ipakilala sa kanya ang kanyang mga co-star.
Malapit nang lumipad ang inyong pinananabikang Pinay hero! Keep logged on to iGMA for more updates.
Kamustahin ating very own Darna! Text MARIAN [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS (Wallpaper) just text GOMMS MARIAN to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Pag-usapan si Marian Rivera bilang si Darna! Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by loreizme
on November 30, 2009
kgaling aman....
-
2. Posted by kurisutaru07
on August 12, 2009
Congrats to Darna iba nga ang dating ng bagong Darna series. Ayos ang background music, nakakakilabot tuwing papakita ang mga kalaban ni Darna at nakakapanindig balahibo makita yung transformation ni Darna. Nung una isa ako sa mga nagtaka sa pagbabalik muli ng bagong Darna, bukod sa naiisip kong gusto ng GMA mabura ang darna bago si marian e nafeel ko ring medyo fresh pa din sa isip ng tao na syun dati pa rin ang darna...pero unti unti ko ng naiinternalize na kakaiba ngang Darna si Marian. Iba siya talaga...may woman/girl power tuwing nakikita ko si Marian kaya talaga nga namang kapani-paniwala siyang strong woman inside and out. Bilib na ako sa Darna 2009, sana mapagpatuloy ito hanggang sa huli. Keep it up! Sana lahat na ng shows ng gma maging maayos na muli. :-)
-
3. Posted by marianaticrc
on July 29, 2009
galing ha,im sure no1 na naman ito.....
-
4. Posted by terz20011
on July 3, 2009
PERO KUNG MAGANDA ANG IBIBIGAY NA ROLE KAY HERO OK LANG
-
5. Posted by jocelynbarrientosbaltazar
on July 3, 2009
yes, more projects for hero plz..
-
6. Posted by allen_lavi_kanda
on July 3, 2009
wahhhhh ang galing naman. pero sana si sunshine dizon na lang ang valentina. kasi wala naman project si shine ngayon aside from unang hirit at sop. pero goodluck na rin. i will support this show. lalo na dahil new face ang darna and new story na naman. higit sa lahat ang ganda ng bagong DARNA!!!
-
7. Posted by kingbrown77
on July 2, 2009
bakit hindi sinama dito si Hero Angeles? sayang magiging okay yun! Sana gamitin siya ng GMA dahil sayang ang talents...paging Kuya Germs!!!!!
















