Article posted June 29, 2009
Rating:
Unlike his well-traveled love team partner na si Kris Bernal, first time pa lang ni Aljur Abrenica na magpunta sa United Statesat marami siyang kuwento tungkol sa kanyang recent trip! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.
Dalawang Sundays nawala si Aljur Abrenica sa SOP dahil sa kanyang trip to the U.S. and his eventual quarantine, na parte ng pag-iingat laban sa kumakalat na (A)H1N1 virus.
Kuwento ni Aljur, "Itong [trip to the] States na 'to, six months pa lang, o four months ago pa. May Tita ako na nasa New York, sabi niya may Filipino Independence Day [daw] doon." Sa kuwento ni Aljur, ginusto ng Tita niya na magbigay saya si Aljur sa mga iba pang Pinoy sa New Yorkat nang makabisita rin ang buong pamilya sa kanilang relatives na doon nakatira.
At dahil pamilya na ni Aljur ang sasagot ng kanilang biyahe, kuwento ni Aljur, ang in-offer na lang daw bilang kabayaran ng Tita niya ay ang dalhin ang buong mag-anak sa Disneyland: "Eh habang tumatagal, dahil nga sa schedule, hindi nagkasya." Tuloy ni Aljur, muntikan pa raw na hindi matuloy ang kanyang biyaheup to the week before his departure!
Pero dahil nakapag-promise na ang binata, Aljur says, "Hindi talaga pwedeng hindi umalis. So ang ginawa na lang, [na-shorten] yung time. Dapat nga two weeks 'yun eh, [naging] five days na lang, kasama na 'yung biyahe." And instead of his family, ang naging kasama na lang ni Aljur sa biyahe ay ang handler niya sa GMA Artist Center.
"Kasi sandali lang naman, sayang naman kung isasama 'yung buong family."
Aljur's participation at the parade was completely personal, sabi ng binata: "Tita ko 'yung nagdala sa akin. Pero pagkatapos ng parade, 'yung GMA PinoyTV tsaka 'yung ano ko, may mga sariling booths. Pagkatapos ko doon sa sarili naming booth, pumunta ako sa PinoyTV. Patalon-talon ako."
"Promote din siyempre. Kapuso, 'di ba?"
'Di nga maiwasan ni Aljur na mag-comment, "Sosyal ang Pilipino sa New York! Kasi parang isang buong street sa New York, sinara para sa mga Pinoypara sa parade natin."
Enjoy naman daw siya sa kanyang naging karanasan sa New York: "Nakakatuwa kasi, hindi lang mga Pinoy ang nakakakilala sa aminpati mga foreigners!" And sa Pinoys abroad naman, Aljur says nakatutuwa rin daw ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao doon. "Kung paano kami i-welcome ng mga tao sa Pilipinas, nagulat ako kasi ganoon din sa States."
"Tapos may nakausap akong Amerikano," dugtong ng binata. "Amerikano talagahindi nagta-Tagalog! Sabi niya, 'You know what? I watch your shows. But the problem is, I don't understand what you're saying. I always call my [husband] to translate what you're saying.' Ang saya!"
Siyempre, hindi rin maikaila ng binata na natuwa siya sa mga compliments na natanggap niya from the foreigners: "'Yun 'yung nakakatuwa, kasi parang na-appreciate ka rin nila, kahit hindi ka nila kilala." Dagdag pa ni Aljur, may mga nagpakuha pa nga raw ng litrato na kasama siya!
'Yun nga lang, sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, Aljur had to face a different problem: quarantine. Kaya ang five days leave niya ay na-extend ng 13 days: "Kasi may iba't-iba akong naramdaman: sipon, medyo nangati 'yung lalamunan ko, mabigat ang ulo ko.
"Buti na lang jetlag lang."
Right after his quarantine, though, diretso trabaho agad si Aljur. 'Yun nga lang, may kaunting adjustments pang ginagawa ang young actor.
"Kasi nasanay akong natutulog nung naka-quarantine ako. Parang nakabawi ako. Ngayon, naga-adjust ulit sa puyatan."
Bakit napupuyat si Aljur? Dahil sa kanyang bagong soap na All My Life kung saan nilipat ang love team nila ni Kris from Dramarama sa Hapon papuntang GMA Telebabad!
At ngayong gabi na 'yan ipalalabas! 'Wag palampasin ang first episode ng All My Life mamayang gabibago mag-24 Oras!
Gusto mo bang magpadala ng mensahe kay Aljur? You can do so through Fanatxt! Just text ALJUR to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
-
1. Posted by diamondboy
on July 10, 2009
I have watched the whole show of DAPAT KA BANG MAHALIN, kasi we like ALJUR from way back STARSTRUCK days. Now we are disappointed about the time slot of ALL MY LIFE. Kasi halfway na lang ang napapanonood ko coming from work. It's too early for a primetime show. It should be shown after 24 ORAS here in Los Angeles, California. Please GMA MANAGEMENT, change the time slot.. Thanks
-
2. Posted by ny22nanuet
on June 30, 2009
hi!!! i was there!!im in back of stage im so kilig talaga kasi i always watch dapat kabang mahalin and i saw aljur he so gwapo and bait talaga,and then nag umuwi kah nag wave pa ako sayo.aljur keep up d good work and olweiz tnx god for ol d blessings i will support u,,,,godbless and goodluck
-
3. Posted by rachheartwords1410
on June 30, 2009
I was there!I was there!!!!!haha!Nagpa-pic kami w/ aljur ng mga friends ko and he's so mabait talaga!I rem nga weh pag may nakakasalubong kami they would ask why maraming tao dun sa booth na un then we said nga nandun c Aljur and they would ask..."Aljur Abrenica ung sa Dapat ka bang Mahalin?"Feeling close nuh kami nung mga nagtatanong inendorse q pa xa ng inendorse hahaha!So dumami ng dumami ung mga tao dun sa booth nag-end up nuh wla qng solo pic w/ Aljur=(
















