Aljur, handang pakasalan si Kris!
Article posted June 25, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Nagmistulang isang engradeng reception ang naganap sa press conference ng pinakabagong prime time soap ng GMA, ang 'All My Life.' Pinangungunahan ng pinaka-mainit na love team ngayon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, nagmukha itong celebration din ng love story ng dalawa. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Connie M. Tungul.

starsNagtapos ang top-rating sinenovela na Dapat Ka Bang Mahalin sa pag-iisang dibdib ni Lito at Myrna noong Biyernes. Sa pagsisimula ng panibagong show ni Aljur Abrenica at Kris Bernal, isang celebration in the form of a wedding reception ang inihanda ng GMA Network para sa dalawa.

Ang cast ng All My Life ay ang gumanap na wedding entourage nang dalawa at pinalibutan ng fresh flowers ang Studio 5 ng GMA to look like a magnificent wedding reception.

At tulad ng isang kasal, all eyes were on the bride nang magsimula itong maglakad sa red carpet. Kaya naman hindi na na-surprise ang mga guests nang makitang punong-puno ng emosyon si Kris habang naglalakad sila ni Aljur. Nangilid-ngilid ang luha ng young actress habang hawak ang kamay ng kanyang ka-love team, at nang magkiss ang dalawa, after their vows, nagulat ang press at ibang mga stars sa tagal ng halikan ng dalawa.

Nang ma-interview ng iGMA si Kris at Aljur, una naming tinanong kung bakit naging emosyonal si Kris.

"Lagi naman akong naiiyak kapag may bago akong show dahil hindi ko po akalain talaga na mabibigyan kami ni Aljur ng chance na magbida po sa isang prime time show," ang paliwanag ni Kris sa amin. "At saka 'yun nga po, kahit paulit-ulit ko pong sinasabi, ang tagal na po namin pinagarap ito na magkaron ng prime time at talagang super happy lang talaga ako at super excited lang ako na sa wakas natupad din—kaya n aiiyak lang po talaga ako."

Dagdag naman ni Aljur na pinigilan niyang mahawa sa pag-iyak ni Kris at idinaan na lang sa ngiti ang kanyang mga emosyon na nararamdaman.

"Pinipigilan ko talaga, talagang dinadaan ko na lang sa ngiti kasi ito po talaga 'yung pangarap namin ni Kris matagal na mula po nung Zaido. Lagi po naming pinag-uusapan 'yun. Hindi po lumagpas ang isang araw ng hindi po namin ito naiisip kaya kanina, [naisip ko] mamaya ko na lang ilalabas."

Halatang tense pa rin ang dalawa kay naisipan naming biruin ang mga ito na kaya sila naiiyak, dahil feeling nila kinakasal na talaga sila.

"Actually, ang dami na din naming nagawa na mga eksenang kasal and every time na kinakasal kami talagang naiiyak rin talaga ako," ang kuwento ni Kris sa amin.

At nang tinanong namin si Aljur kung pwede ba nilang totohanin ang kasal nila ni Kris, ito na lang ang nasagot ng binata: "Para sa akin, bakit hindi, 'di ba?"

Congratulate Aljur and Kris sa kanilang first lead roles sa GMA Telebabad! Text ALJUR or KRIS and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)

Pag-usapan ang All My Life sa iGMA Forum!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by gil_ann1124 on July 8, 2009
    all my life, 4 sure mku2ha nnmn nla ang pnkmtaas n ratings...gudluck
  2. 2. Posted by nzabanal on June 30, 2009
    MORE POWER AND GOOD LUCK..KRIS AND ALJUR ..whatever it takes.. Kayo ang aking No. 1 LOve Team of today's generation
  3. 3. Posted by janejan on June 30, 2009
    hi 2 aLjur and kris i really like you.. and AML!! i watch it eVeryday..peoh w8 aLJur aNd RICH ASSUNCION kaYo b? mag on b kayo??.. xana hind 22o.. naBaxa ko xa dyaryo eh.. Kla ko ba nag cocOurt c aLjur kay kris??.. aNd is it aLjur's trip lang na bnigyan nya c kris ng neCklace??.. haay.. buT faVorite ko p din kayo.. sad nga lang xa nakita kong balita..hehe,, i hope thats not tRue..pls waTch AML everyNight..aFter hoLe in d waLl..
  4. 4. Posted by jayson17 on June 26, 2009
    Sana cla nang dalawa ang magkatuluyan and sana kapag kinasal na sila yung "All M Life" din ang theme song nila.. Goodlkuck na lang sa loveteam na ito at palagi nyong gagalingan ang pagdadramatize para matatapatan nninyo ang May buks pa. GoGo aLKRIS!
  5. 5. Posted by aihrie on June 26, 2009
    CUTE NYO TLGA.....
  6. 6. Posted by coricnfa2002 on June 25, 2009
    NAKAKAKILIG TALAGA SILANG DALAWA. FEEL MO TALAGA NA SINCERE YUNG LOVE AND CARE NILA AT HINDI NAGGAGAMITAN LANG FOR THE SAKE OF SHOWBIZ CAREER. SANA NGA SILA DIN ANG MAGKATULUYAN AT THE END DAHIL SA HIRAP AT GINHAWA SILA ANG TALAGANG MAGKASAMA. SAYANG NAMAN KUNG KAILAN SIKAT NA SILA ANG MAKIKINABANG AY IBA KUNG BAGA MAKIKISAKAY NA LANG ANG IBA NA MAKAKAPARTNER NILA IN THE FUTURE.
  7. 7. Posted by ohnoitsxtine on June 25, 2009
    Galing!Galing! :)
  8. 8. Posted by starstruckfanatic on June 25, 2009
    weee... im so very very happy tlaga for both of you aljur and kris.. kayo na tlaga ang Hottest Teen Loveteam here in Philippines.. gud luck!.. naniniwala akong mgiging successful at top rated ang new show nio.. go go go ALAB, krispers and alkrisians..

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.