Article posted June 23, 2009
Rating:
Isa ang iGMA sa mga unang pinagkatiwalaan ni Katrina Halili ng isang exclusive interview after i-announce na siya na nga ang gaganap na Fedra sa 'Rosalinda.' Ano nga ba ang masasabi ng kontrobersial na aktres ngayong balik-show business na siya? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Connie M. Tungul.
Kitang-kita na nakabawi na si Katrina Halili, after nang lahat ng intriga na ibinato sa kanya simula ng maglabasan ang mga issues tungkol sa sex videos nila ni Hayden Kho, Jr. Nakangiti kaming hinarap ng young actress at sinagot niyang lahat ang aming mga tanong tungkol sa bago niyang role na gagampanan, si Fedra ng Rosalinda.
"Thankful ako sa GMA na bingiyan nila ako ng chance na bumalik, tapos meron din mga projects din sila para sa akin after Rosalinda, so happy naman ako," ang panimula ni Katrina.
"Sobrang happy ako na sa akin [ito] ipinagkatiwala. Actually, noong una pa lang na narinig ko na may Rosalinda, sabi ko gusto ko talagang mag-Fedra doon. Ako talaga mismo na nagsasabi na gusto ko, sa mga writeups. Natutuwa rin ako dahil si Direk Maryo [J. delos Reyes], nandoon. Sobrang favorite ko siya na director and sobrang family ko 'yung group ng Rosalinda kaya feel ko, safe ako," ang dagdag pa ni Katrina na halatang may konting reservations pa sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
"Actually, bumalik ako pero 'yung deal ko is purely soap lang. Wala akong mga live guestings na sasayaw pa o kakanta sa TV. [Sa promotion] pwede siguro, pero sa ngayon, hindi muna. Kasi sa nangyari sa akin, dapat nag-stop na nga ako. Pero dahil binigyan nila ako ng chance at gusto ko nang makalimutan na rin lang muna ang lahat, gusto ko muna na lumayo muna sa mga tao so purely soap lang talaga. Kung sa taping, taping lang talaga," ang maiging paliwanag pa ng aktres sa amin.
Hindi din namin siya masisi kung iyon ang kanyang naging desisiyon dahil na rin sa mga nangyari. Pero sinabi man ni Katrina na gusto muna niyang makalimutan ang mga nangyari , in-assure naman niya kami na hindi naman niya papabayaan ang mga kaso na kanyang sinampa at ang kanyang mga ipinaglalaban, kahit pa maraming mga negative comments siyang naririnig.
"Hindi ko na lang muna sila (detractors) pinapansin. Basta ako, magwo-work na lang muna ako tapos 'yung kaso, ipinapaubaya ko na lang sa korte," pagtatapos niya.
Pag-usapan ang pagbabalik ni Katrina Halili sa iGMA Forum.
Kamustahin si Katrina through her Fanatxt service. Text KATRINA and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)
-
1. Posted by chrisloe
on July 21, 2009
hello po ate kat... nakabalik ka na ulit, don't mind yung mga taong sumisira sa'yo basta kming mga fans mo, we'll always support u.. kaya mo yan ate kat!!!!! go!!
-
2. Posted by markjen4everr
on June 26, 2009
WELCOME BACK KAT ! go go go lang, God is with you .. just remember that. In the end you'll survive with more than what you had before. Basta, always have faith and stay strong. ALL YOUR FANS are with you im sure :D
-
3. Posted by carelesswhisperbykatrina
on June 26, 2009
sa moderator: sna lng lht ng ngcocomment d2, ipopost nyo. pra kcng puro in favor k katrina ang nkpost eh. 4 sure meron dn ngcocomment na against sa knya. tnx!
-
4. Posted by carelesswhisperbykatrina
on June 26, 2009
SHOCKS! nsa rosalinda na dw c katrina bilang c fedra, pwde bang wg nlng. sayang ang role, may mas deserving kesa sa knya pra sa role na un. payo lng katrina, tigilan mo na ang pag-iinarte, gnusto mo nman un eh. pti c dra belo, idenemanda mo at gusto mong ipasara ang clinic nya, HELLO! d ka pa artista, dra belo na cya. super agree nga ako k nay lolit, wla ka ngang utang na loob. itsura mo!....
-
5. Posted by choi_hanna13
on June 26, 2009
we love u kat,..mahal ka ng katrinian'z..excited na kmi sa r0salinda!
-
6. Posted by gerwin
on June 25, 2009
Hi Ms. Katrina, masaya po ako at nakakapag trabaho kana ulit sana naman po wag pong ma CASE UNCLOSED lang yung pinaglalaban mo ngayon, basta po, keep on praying lang ha, kaya mo yan, masaya po ako dito sa U.A.E. at nakatutok po ang TV nmin sa GMA Pinoy TV.! Mapapanuod na kita uli sa Rosalinda, God Bless po! We love you... From: Gerwin Roxas (U.A.E )
-
7. Posted by VICKYTLIN
on June 23, 2009
the message below is intended for Katrina. Hello Katrin, Kumusta ka na? Alam kong hindi madali matakasan ang kalagayan mo ngayon. Sa amin, sa labas ng showbiz, wala ng burning sensation ang news na kinasangkutan mo. Pero alam ko, deep inside you, di ka pa rin nagigising, parang nasa loob ka pa rin ng isang bangungot. Pray ko sana, malabasan mo yan. You still look heavy Katrin. Madaling sabihin na kalilimutan mo na lang lahat yun. Sana naman may mga close friends ka dyan na totoong nagmamahal sa yo, dahil kung wala, believe ako sa yo pag nakaya mo mag-isa yan. Fact is, lahat ng tao may dalahin sa buhay. Kaya akala mo, maraming tao ang nadidiri o nagagalit sa yo. Siguro normal lang na ma-feel ng publiko yun, they would also feel the same even for their own family member if caught in the same situation. Wag mo sanang paka-personalin ang reaction ng publiko. Initial reaction lang syempre yun, after a week, talagang wala na. Kaya nga ang mga malalaking issues na kinasasangkutan ng mga big political fig
-
8. Posted by tsuperchin
on June 23, 2009
good luck Kat! sana mas madami pang shows ang mapunta sa iyo. wag paapekto sa iba. remember, after a big storm, there comes a rainbow. ayan na ang mga blessings. keep it up. be strong and pray always. :-)
-
9. Posted by rurutiu
on June 23, 2009
go kat..u deserve it..hapi 4 u
-
10. Posted by telayling
on June 23, 2009
go!go!go kat!!!happy ako sa pagbabalik mo..god bless
















