Article posted June 12, 2009
Rating:
Early this year, napabalitang gagawin ng GMA Network ang remake ng Koreanovelang 'Coffee Prince.' Dahil sa ito ay isang romantic comedy, napag-alaman din namin na si Dennis Trillo at Jennica Garcia ang napipisil na gumanap bilang Arthur and Andie. Ano na nga ba ang update sa project na ito? Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network
Maraming nakakapansin na maganda ang chemistry nila Dennis Trillo at Jennica Garcia sa Adik Sa 'Yo. Parehong single at dedicated sa trabaho, hindi malayo na kagatin ng tao ang tandem ng dalawa, lalo na ngayong mukhang bumabalik ang romantic comedy sa uso.
Kaya naman nang makapanayam ng iGMA si Dennis at Jennica, tinanong namin sila kung ano na nga ba ang balita sa Coffee Prince remake na naunang napabalitang gagawin nilang dalawa.
"Hindi namin masasagot ngayon, dahil kung sakaling matuloy, medyo matatagalan pa and doon sa span na katagalan na 'yon marami pa talagang puwedeng mangyari," paliwanag ni Dennis, "so ayoko magsalita ng tapos dahil ayaw kong pangunahan kung ano 'yung gusto nila talaga, 'yung plano ng GMA para sa akin."
Nang tinanong namin ang aktor kung bakit nga ba na-shelve ang project na ito, sinabi ni Dennis na "gusto ng GMA na makapag-produce ng isang original na kuwento na hindi lang puro remake ang ginagawa. Dahil ngayon, puro franchise at puro mga remakes."
Matatandaang maraming naging followers ang Coffee Prince sa telebisyon at marami din itong pinakilig na manonood. Hindi ba sila nanghihinayang na na-postpone ang pag ganap nila bilang Arthur at Andie?
"Ako po kasi, doon sa Coffee Prince, maski dati pa kaya hindi po ako masyadong nakaka-react kasi hindi naman po sinasabi sa akin direkta na 'Ikaw na [ang magiging Andie],'" ang mabilis na sagot naman ni Jennica.
Idinagdag pa ng young comedienne na hindi siya nanghihinayang sa pagka-delay ng Koreanovela remake dahil masaya na siya sa Adik Sa 'Yo.
"Bakit ko namang iisiping madi-disappoint eh sobrang saya ko na sa show na ito. Sobrang complete nito, nagpapasalamat na 'ko at wala na ako ibang hahanapin," sabi ni Jennica.
Nabitin man kayo sa remake ng Coffee Prince, mapapanood ninyo naman ang bagong love team na ito sa Adik Sa 'Yo weeknights right after Totoy Bato sa GMA Telebabad block.
Kayogusto nyo bang mang matuloy ang Coffee Prince? Talk about this topic sa iGMA Forum.
Want updates from Dennis and Jennica? Text DENNIS or JENNICA and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
-
1. Posted by jhine_alexis
on September 4, 2009
hay nkuh ..dapat c jennica ang tlagang gumanap bilang andie kasi bagay nia at kayang kaya nia un...d nio ba nakkit na talagang patok ang luvteam nila ni dennis. nakakakilig cla!
-
2. Posted by quincie
on July 20, 2009
hai nako.. dapat talaga si heart na lang ang gumanap na jessie sa full house remake... pero ayos na din ako ke marian kung decided na sila na siya na ang gumanap sa role.. pero sana si heart na lang sa coffee prince...bagay kea kay heart mgremake ng mga koreanovela..
-
3. Posted by certifiedJENNICAN11
on June 20, 2009
Well, bagay kay Jennica ang role! Go jennica!
-
4. Posted by luciell
on June 17, 2009
di bagy oi..lalo na kay heart..yeaks..
-
5. Posted by dio12
on June 14, 2009
sna c sheena halili n lng andie! ganda nya e! gling p s acting mapa comedy at drama p! d best!
-
6. Posted by sagadagurl_712
on June 14, 2009
Please GMA ibigay niyo na lang kay Chynna ung role bilang andie go !! pakinggan nu naman kami !!
-
7. Posted by ibones
on June 14, 2009
pwede din isama si chris cayzer dito!
-
8. Posted by alvina
on June 13, 2009
Huwag na kay Dennis ibigay ang role kay Alfred Vargas dapt at ang leading lady si Heart Evangelista.
-
9. Posted by sommereux
on June 13, 2009
Sana matuloy ang Coffe prince and si Dennis Trillo ang gaganap na Arthur. Sana consider din si Heart for Andi role.
-
10. Posted by passionate_hater
on June 12, 2009
Sana matuloy sa Coffee Prince si Dennis! Swak na Swak siya as Arthur.. Nobody else among GMA's Roster Of Male Talents can pull off Han Kyul's Role better than Dennis.. He is the Perfect Arthur!
















