Article posted June 11, 2009
Rating:
Nadine plays a stronger woman sa 'SRO Cinemaserye presents SUSPETSA,' pero she reveals that she still needs helpespecially from the viewers. Text by and Photos by Jason John S. Lim.
Sa second offering SRO Cinemaserye, isang murder mystery ang unti-unting binubuklat. At sa mystery na ito, Nadine Samonte plays one of the suspects: si Abigail.
"Mabait nga ako dito, pero iyakin and mahina 'yung personality," kuwento sa iGMA ni Nadine. Pero she's quick to point out that Abigail won't stay this way. After all, sa last episode, she has already been admitted into a psychiatric ward for treatment. "After how many years, nung nag-asawa na ako, medyo strong na akoiba na 'yung itsura, 'yung porma."
Pero it is also during this time na magsisimula ang talagang misteryo sa buhay nina Abigail, Leonor (Yasmien Kurdi), at Nina (Jennylyn Mercado).
"Magkakasama na rin kaming tatlofirst time!" Nadine exclaims excitedly.
Another first for Nadine is working with Paolo Contis, ang kanyang kapareha sa SUSPETSA: "Here he's good, siya 'yung doctor namapapa-psychiatrist ako, eh. Siya 'yung doctor ko, hanggang siya 'yung naging asawa ko. Pero mabait siya, tinulungan niya ako."
But you know what they say about good deeds naman, hindi ba? There's always a catch.
Bukod pa dito, Nadine tells us na first time rin niyang magkaroon ng horror show.
Kuwento pa niya, "Binabasa ko nga 'yung script, ako na mismo 'yung natatakot eh." And she wants the viewers to help them find out kung sino ba talaga ang pumatay kay Chris (Ryan Eigenmann). "Tulungan nila [malaman] kami kung sino talagang pumatay."
The thing with the story kasi, Nadine tells us, is may pagka-La Vendetta ito, where lahat ng characters ay may motive sa pagpatayhindi nga lang lahat halata.
"Nakakatakot na nakakakaba, ganoon 'yung pakiramdam mo kapag napanood mo [ito] every Thursday night."
On tonight's episode, magkikita-kita nang muli ang magkakaibigan after a long time na hindi sila nagsama. Pero on the night of their reunion, they all receive mysterious text messages saying they were the ones who killed Chris.
Pero hindi naman talaga sila, 'di ba? Or may hindi ba tayo nalalaman?
"Maganda, kasi mabilis 'yung pacing ng story," Nadine says. And to find out kung ano talaga ang totoo, she adds, "Panoorin na lang nila at malalaman nila siguro."
May guess na ba kayo kung sino ang killer? Sound off sa comments box below!
And help Nadine figure it out by texting her your guesses! Just text NADINE (space) (your message) and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
-
1. Posted by Mheek_3169
on September 22, 2009
sayang nman po nung hind nakarating c nadine samonte dun sa livechat gusto koh po sna sya makachat!! sayang nman po tlaga! pro aus lang po my nex time p nman...
-
2. Posted by Virlie_corner
on July 4, 2009
Im hoping that GMA executives will help Nadine to get a better role next time. Honestly try nyo pumunta dito sa amin sa Parañaque for you to know kung anong show ang pinanonood ng nga tao pag thursday night and you will see kung gaano karami ang followers ni Nadine. Hopefully she'll be given the chance to shine.
-
3. Posted by Virlie_corner
on June 29, 2009
I'm hoping that Nadine will be given the chance to prove herself as an actress, sayang naman diba? Hanap ng hanap ng mga di kilalang girls to play certain roles eh samantalang marami namang star dyan na pwedeng bigyan ng big break para sumikat. Sana maconsider si Nadine to play the role of justin's leading lady in Fullhouse. Diba bagay? cute si Jenny cute din si Nadine, sana wag yung feeling wholesome pero palengkera naman. Give chance to others naman para di makakaumay at yun at yun na lang.
-
4. Posted by chesckah
on June 15, 2009
go nadine!!!
-
5. Posted by leahleah
on June 15, 2009
Oo nga DO- RE- MI, Si Nadine Samonte ang Donna Cruz, Si Jennylyn Mercado ang Mickey Cojuanco, Si Yasmien Kurdi ang Regine Velasquez. Saya di ba. We look forward for that here in the Georgia, U.S.A..... Agree ako sayo Ronali. GMA sana i remake ang Do-Re-Mi.....Thanks and God Bless sa inyong tatlo lalo na kay Yasmie Kurdi. Idol namin siya.
-
6. Posted by joyanntwinsis
on June 15, 2009
Nadine, we are here to support you!!!
-
7. Posted by Runalli
on June 13, 2009
para hindi parati kontrabida ang role na ibinibigay s iyo ng GMA bakit kaya di mo ayusin yan kilay mo nadine parati kasi parang nagtataray ka bakit di mo kaya pababain yan kilay mo sana bigyan ka naman ng pagkakataon ng gma na makaloveteam sila dingdong at richard sa soap man o movie tulad ng kay sarah at john Llyod sino ba ang mag aakala na magclick sila sana magawa mag experiment din ng gma kasi nakakasawa na rin na parati si ganito at si ganun na lang ang magkapartner. God luck nadine sa career mo ano sunod na project mo after SRO sana naman bilang bida uli at sana kayo uli tatlo ang gumanap sa role ng DO-RE-ME kasi may boses ka rin naman tama ka sa role ni donna cruz tutal may hawaig kayo
-
8. Posted by janeluck
on June 11, 2009
magagaling kayong tatlo sana magkaroon kau movie together na tatlo kasi bagay sa inyo kahit anong role.gudluck nadine ,jennylyn and yasmien.ang gagaling grbe wala akong masabi sa inyo...
-
9. Posted by alvina
on June 10, 2009
May guess is yong karakter ni Jennelyn Mercado
















