Article posted June 10, 2009
Rating:
Sa isang exclusive interview sa napaka-controversial na si Katrina Halili, inalam ng iGMA kung kailan nga ba babalik ang aktres sa showbiz at kung anong mga projects ang gusto niyang gawin. Handa na ba siya na gumawa ng mga sexy at daring roles ulit? Text by Loretta G. Ramirez. Photo courtesy of Katrina Halili.
Nakikita man natin si Katrina Halili sa telebisyon araw-araw, marami pa rin sa mga fans at kaibigan ng dalaga ang nami-miss siyang makita na umaarte sa telebisyon.
Pinatunayan ni Katrina noon kung gaano siya ka-versatile pagdating sa acting. Mapa-bida o kontrabida, tinangkilik ng mga manonood ang kanyang mga shows tulad ng Marimar, Magdusa Ka, Gagambino, Obra at marami pang iba. Ngunit ngayong kasagsagan ng issue about the sex video scandal, handa pa ba si Katrina na humarap ulit sa camera? Kailan nga ba siya babalik ulit sa pag-arte?
“Siguro by July, puwede na akong magtrabaho. Pero siguro hindi muna 'yung mga live guestings. Siguro mga soap [operas] lang muna [at] hindi pa masyado 'yung mga live na shows. Parang hindi pa ko ready,” ang pag-amin ng dalaga sa iGMA.
Ngunit nilinaw niya na pagdating sa mga sexy roles, “siguro less lang ng konti, unlike before, kasi parang fresh na fresh pa lang 'yung video ko tapos makikita nila akong pasexy-sexy 'di ba? Parang lie-low lang muna.”
Inamin din niya na meron siyang mga roles na gustong gawin at kung mabibigyan ng pagkakataon gusto din niyang matuloy ang remake ng Lino Brocka movie na Angela Markado.
“'Yung gusto ko Angela Markado kasi rape victim sya tapos lumaban siya. Gusto ko 'yun,” kuwento ng aktres. Matatandaan na ito ay unang ginampanan ng premyadong aktres na si Ms. Hilda Coronel at Katrina was suppose to do a remake of this film sa television bago pa pumutok ang issue about the sex video.
Idinagdag din niya na gusto niyang bumalik sa mga kontrabida roles tulad ng Valentina (Darna) at Fedra (Rosalinda), ngunit wala pang definite offers ang dumarating sa kanya.
“Sobrang namiss ko ['yung pagiging kontrabida] kasi naapektuhan ako sa mga character na ginagampanan ko, eh. At least kapag villain ka, ikaw ang nagdadala ng eksena, nag-iisip ka, nag-i-improvise ka. Hindi katulad ng weakling ka lang, patamaran. Parang gusto ko 'yung may natutunan ka.”
Although aminado ang aktres na hindi pa siya makalabas ng bahay ngayon, nagpapasalamat naman siya sa mga suporta at prayers from her fans at friends.
“Sobrang thankful ako na may mga tao talaga na sumusuporta sa akin at naniniwala sa akin. Ipinaglalaban nila ako, in fairness, sobrang nakakatuwa sila. Tapos sobrang sad sila kapag nakikita nila akong umiiyak o nasasaktan. Nalulungkot sila kasi matagal akong nawala sa TV, February pa, so pinipilit ko namang bumalik para sa kanila. [Pagbalik ko] new Katrina na siguro. Malapit na po ako bumalik [kaya] sana maayos na lahat.”
Abangan ang pagbabalik ni Katrina Halili sa telebisyon. For exclusive updates about Katrina Halili, always log on to iGMA.tv!
Pag-usapan ang pagbabalik ni Katrina sa showbiz sa iGMA Forum.
Kamustahin si Katrina through her Fanatxt service! Text KATRINA and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)
For related features about the sex video scandal issue, click on the following:
Katrina magsasampa ng kaso laban sa nanay ni Hayden Kho
Balik tanaw sa pinagdaanan ni Katrina
Buo ang suporta ng GMA para kay Katrina Halili
-
1. Posted by nei
on June 20, 2009
omg..im so excited to see u again kat!!!! aynko wag mung intindihan ang mga nagco2ment na bad syo.kcie kyah cla nagco2ment ng ganyan ingit lang sila syo! eh panu sexy ka mganda anu san kpah elow!!!! kyah sila inis syo kcie INGGIT LANG CLA SYOH!ng bonggangbonga.... sinasvie pa nila na ikw ang may kslanan elow... cge nga kung sakanila nangyarie un anu kyah ang ga2win nilah?? buti kpa mtapang TAMA YAN IPAGLABAN MO ANG TAMA PARA SA MGA GIRL! NA INAABUSO NG MALI!!!!GO KAT hinding hindi kami mawa2la sayo dhil idol na idol ka nmin..... god is always with you to protect u!
-
2. Posted by ashk_104711
on June 11, 2009
basta marami kmeng naghi2ntay sa muli mong pagbalik Ms. Katrina,..zana khit zah mga live din,..alam mo bang memorable smen yung magdusa ka kc yun ang bonding time nmen ng partner ko pag nano2od kme nun...we are still praying for you...godbless
-
3. Posted by shinningz
on June 11, 2009
yay kat will return na!!!! dapat lng cuz i miss u sooo much na and btw love your eyes nice color!
-
4. Posted by coricnfa2002
on June 11, 2009
SA TOTOO LANG HINDI KAMI INTERESADO DYAN DAHIL SEXY IMAGE NYA LALO PANG NAKUMPIRMA DAHIL NABUKING KALANDIAN NYA KAYA KUNG AKO SA GMA WAG NG BIGYAN NG IMPORTANSYA YAN DAHIL HINDI NAMAN MAKAKATULONG YAN SA IMAHE NG GMA. CONSEQUENCES NG GINAWA NYA YAN WAG NYA NG IDAMAY LAHAT SA GINAWA NYA
-
5. Posted by jojok
on June 10, 2009
to rhyo!! tama ka lahat tayo ay may kanya kanyang opinion...at dpat irespeto.pero sa akin ay mali ka, hindi tayo sigurado kung si katrina ba ang nagflirt kay kho or si hayden ba ang nagsabi kay kat na iiwanan nya si belo 4 kat? kasi di lang naman si kat ang naging biktima nya at obvious rin n di sya tpat ky belo..sa mga taong tulad ni kho di mo mapagkatiwalaan at dpat parusahan. pnhiya nya lhat ng mga babae n gngmit lng nya dpat ,lng din syang iphiya s lhat ng tao. s isng doktor n vinivideohan ang mga private moments s ibat ibang babae...ang ksal an ni kat umibig sya s isang manlolokong tao, pro i know she will move on nmn kc marami dyan n ngmmhal s knya.
-
6. Posted by lexapxel
on June 10, 2009
for me ang comment ko pra ky katrina ay yung madala na sya ngaun s pkikipgrelasyon pra hindi n maulit yung nangyari s knya...at katrina wag k ksing mngaagaw ng may bf ng my bf...kc bka karma yung nangyari syo....sna marealize mo rin yung nging mali m...un lng...
-
7. Posted by nikkilove
on June 10, 2009
We'll be waiting for your return Kat. You're one of the most beautiful and versatile actresses to grace our screens. And we admire you more for your courage and strength. Good luck.
-
8. Posted by shellphone
on June 10, 2009
Ok lang yan . Goodluck sa next project mo. Kaya mo yan. from MArian fan.
-
9. Posted by igr_07
on June 10, 2009
salamat at makikita na kita uli s TV. basta ang mahalaga kami ang pinunan mo ng pansin, kaming mga tagahanga mo. at sana makalimutan mo n ring ang mga pangit na pinagdaanan mo.
-
10. Posted by rhyo
on June 10, 2009
i'm sorry to say this. it's my personal opinion, i think katrina halili is also at fault. it all started with her. if she didnt flirt with hayden then this wouldnt happen. i mean, she already knows the relationship that hayden and bello have and still, she flirts with him. katrina already know whats right and wrong and i think she chose the wrong path, which is to have a relationship with someone who is already in a relationship. i think, this video is just a consequence she have to face. she chose this. also, i think that this kind of problem doesn't need to be discussed in the senate. we all know that she is a public figure and this kind of scandal can ruin her career but this problem being discussed in senate is kind a exaggerating. police authorities can handle the investigation, department of justice and etc. but it doesn't really have any connection to the senate at all. what's the connection?? I'm really sorry about the words I'm using, but this is reality and we all have different opinions.
















