Dennis Trillo on Jennica Garcia: "Wala naman sa edad 'yun, eh."
Article posted June 08, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Sa press conference ng 'Adik Sa ‘Yo', kitang-kita kay Dennis Trillo at Jennica Garcia na ready na sila sa mga bagong role na kanilang gagampanan—ang maging bagong love team ng taon. Siguradong maraming kababaihan ang naiinggit sa pagkakataong ibinigay kay Jennica na makapareha ang heartthrob ng bayan, pero ano nga ba ang masasabi ni Dennis sa kanyang bagong love interest? Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network

“Si Jennica magaling ‘yang artista, kahit ano mapa-drama, comedy, o kahit anong bigay mo sa kanya magaling siya talaga. Kayang-kaya niya dalin kahit anong ipagawa mo sa kanya,” ang panimulang pahayag ni Dennis Trillo.stars

Idinagdag pa niya na hindi naging hadlang sa kanilang team-up ang age-difference dahil pareho lang naman nilang ginagawa ang kanilang mga trabaho. In fact, na-challenge pa silang i-prove na magwo-work nga ang kanilang bagong tambalan.

“Wala naman sa edad ‘yun eh," sabi ni Dennis. "'Di ba 'yung last nga namin na magkasama kami, magkapatid kami pero ngayon challenge sa amin na gawing maging effective 'yung team up naming dalawa."

Inamin din niya na bilib at hangang-hanga siya sa anak ng batikang aktres na si Jean Garcia. and he considers himself lucky na mapagkatiwalaang makapareha ni Jennica.

"Oo naman, syempre napakaganda niya at saka talented pa, pero hindi namin iniisip ngayon yun mga ligaw-ligaw kasi gusto namin gawing talagang maganda itong Adik Sa ‘Yo so pinagtratrtabuhan namin ng husto, ginagawa namin ang lahat para maging maganda ang mga eksena namin.”

Siguradong aabangan nga ang kanilang show dahil bukod sa star power nito, aabangan din ng mga tao ang mga romantic interludes nina Dennis at Jennica.

“Hindi puwedeng mawala ang mga kissing scenes pero syempre light lang, 'yung smack lang sa lips,” ang nakangiting pagtatapos ni Dennis.

Huwag palampasin ang pilot episode ng Adik sa ‘Yo, on June 8, 2009, sa GMA Telebabad block.

Pag-usapan ang bagong love team ng taon sa iGMA Forum!

Humingi ng updates about Adik Sa ‘Yo mula kay Dennis at Jennica thru their Fanatxt service! Text DENNIS or JENNICA and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by Miary1777 on August 5, 2009
    NlulungkOt aQ... ndi Q n np2noOd ang kwela at nk2twang eksena ng ADIK SA'YO! Hu hu... 2 weeks plang aQ s Vietnam prO mis Q n pnoOrin cna Jennica GarCia at Dennis TrillO :( Ndmi Q ng nmiss n episode. Wha huhu... :*( Mis Q ndin mga prOgrams ng GMA7!!!

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.