Article posted May 29, 2009
Rating:
Sa thanksgiving party ng "Paano Ba ang Mangarap?" Jennylyn candidly answered all the issues na ibinato sa kanya ng press, including the rumors that Patrick Garcia is willing to work with her. Ano kaya ang naging reaksyon ng aktres dito? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Jason Lim
Napakaganda at halatang blooming ngayon si Jennylyn Mercado. Marami ang nagtatanong kung in love nga ba ang dalaga pero pilit namang niya itong itinanggi.
Siyempre hindi maiiwasang isunod na itanong ng mga press kung anong masasabi niya now that Patrick Garcia is now back in showbiz and even has a new show (Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin?). Handa na kaya siyang makatrabaho muli ng ama ng kanyang baby boy?
“Professional naman ako at saka kaibigan ko naman siya at saka nakalimutan ko na ang lahat, kung baga sarado na ang libro. Ayoko nang balikan 'yung hindi na magagandang past na napagdaanan na namin. Naiwanan na ang lahat ng mga pangit na nangyari 'di ba? Ayoko na isipin ‘yun eh, so ako naman naka-move on na ‘ko so wala namang problema,” ang seryosong paliwanang ni Jennylyn.
“Pagdating sa professional level, kaya ko namang magtrabaho. At saka tingnan mo naman, nakapagtrabaho naman kami ni Mark (Herras), ex [boyfriend] ko ‘yan ha! Pareho lang 'di ba?,” ang dagdag pa ng aktres.
Halatang hindi kumportable si Jen sa mga tanong about her ex-boyfriend lalo na ng tinanong si Jennylyn about Patrick and their baby.
“Para sa akin kasi, kung ako 'yung nasa lugar niya, hindi ko na idadaan sa show business--kung baga, kung talagang gusto mo, ipapakita mo pa ba sa lahat ng tao, kailangan mo pa bang i-broadcast sa lahat ng tao? Parang napaka showbiz naman. Personal life is personal life, lagyan niya ng wall. Hindi lahat kailangan malaman ng ibang tao,” ang madamdaming pahayag ni Jen.
Kaya naman siguro nang tanungin siya about her plans para sa first birthday ng kanyang anak sa August, ito na lang ang kanyang nasabi: “Wala pa talaga eh, kapag medyo nakaluwag-luwag na, magiisip na ako.”
On Katrina and Yasmien
Tinanong din si Jennylyn about her fellow StarStruck artist at ngayong kasama sa isang show, ang SRO Cinemaserye: Suspetsa, na si Yasmien Kurdi. Matatandaan na may lumabas na issue about Yasmien and Baron Geisler early this week.
“Ayoko ring magsalita sa part ko eh, kung baga, lagi kong sinasabi na wala ako sa posisyon na magsalita, kung gusto nilang malaman, itanong nila sa mismong taong concerned,” ang may pag-iwas na sabi ng StartStruck 1 Sole Female Survivor.
Kinumpirma din niya na maayos naman ang samahan nila sa set ng SRO Cinemaserye: Suspetsa. “Wala namang problema.”
Pero hindi na siya nakaiwas na magsalita ng tanungin siya kung ano ang nararamdaman niya na dalawa sa kanyang kaibigan (Yasmien Kurdi and Katrina Halili) ay ang laman ngayon ng mga tabloid at balita sa telebisyon.
Ayon kay Jen, “Kilala ko naman ang mga ‘yan eh, para ko ng mga kapatid yan eh. Bawat isa sa amin, talagang masasabi kong malakas at matapang. Kahit anong pagdaanan namin talagang andyan kami para sa isa’t isa. Kilala na namin ang isa’t isa kaya kahit anong marinig namin, kahit anong sabihin ng ibang tao, hindi kami naniniwala basta-basta, hanggat hindi namin nalalaman ang totoo. Damayan talaga.”
Sa huli, nagapasalamat si Jennylyn sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, at sa kanyang high-rating drama series, ang Paano Ba Ang Mangarap na malapit nang magwakas.
“Thank you sa walang [pagod na] suporta sa aming lahat, sa buong Paano Ba Ang Mangarap cast. Sana huwag silang magsawa, hanggang sa susunod na soap.”
Talk about this topic sa iGMA forums.
Alamin ang latest kay Jen! Text JENNYLYN and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)
-
1. Posted by gyla_18
on August 4, 2009
ate jen..mas bgay pa tlga kau ni kuya mark noh.. hmm..more power! godbless poh..
-
2. Posted by vicdon
on July 26, 2009
HI MS. JENNYLYN MERCADO... I HOPE NA SANA IKAW NA ANG GAWING JODI SA STAIRWAY TO HEAVEN. DESERVING KA SA ROLE NA YAN KASI NAKITA KO NA KUNG PAANO KA UMARTE. PARANG TOTOO. NATURAL KA KUNG UMARTE MS. JEN. SANA SA GMA MANAGEMENT WAKE UP. ISIPIN NYO NAMAN PO NA ANG ISA SA PINAKA ORIGINAL NA REYNA NG GMA AY NAPAKALOYAL SA INYO... AT SI MS. JENNYLYN MERCADO PO IYON. BE FAIR NAMAN POWH GMA EXECUTIVES, AT SA GMA MANAGEMENT. NANANAWAGAN PO AKO NA BIGYAN NYO NAMAN PO NG MAGANDANG PRIMETIME SHOW SI MS. JENNYLYN MERCADO. ISIPIN NYO NALANG PO, MATAAS ANG RATING NYA SA NOONTIME KASI MAGALING PO SIYANG ARTISTA. NADADALA NIYA ANG ROLE NIYA. HOW MUCH MORE SA PRIMETIME. DIBA PINAHANGA NIYA TAYO SA PAGGANAP NIYA BILANG LIRA. NAPAKAGALING PO KASI NIYA.. PROUD AKO NA SIYA ANG NAGING PABORITO KONG ARTISTA KASI SUPER DOWN TO EARTH SIYANG TAO. KAYA ... GMA EXECUTIVES, AND GMA MANAGEMENT WAKE UP. THE DRAMA QUEEN IS WAITING ...
-
3. Posted by antonette_272001
on July 10, 2009
jen, anne here fresh from leyte, kaya mo yan, sana nga kau nlng ni mark. love u both=)
-
4. Posted by tzelle_28
on June 21, 2009
To Jen: keep up the good work, pagbutihin mo pa ang taLents mo most esp in acTing, singing and performing. Whatever projects ang ibigay sa'yO we'll still support you. . . Stay beautiful anf happy! To GMA7: We want Jennilyn to be the next Jodi (in Stairway to Heaven), sana i-grant nyo ang request namin. . . Thanks for giving Jen the second chance. . . At sana more projects and primetime soaps for Jen, sana din with Mark Herras Salamat uLit. . .
-
5. Posted by judy05
on June 16, 2009
wag kang maniwala kay patrick bolero yan sana maging kayo na ni mark herras
-
6. Posted by berkz
on June 14, 2009
jhen sna maka partner mo din c richard guttierez as a telebabad ung parang action movie..like ung super noypi gling u jen ha!!bgay syo gnung mga roll parang tomrider..sna mag ka teleba2d k sa GMA na prang gnun ang style..
-
7. Posted by zenytj
on June 3, 2009
gusto ko sila ang magkapartner dahil bagay silang dalawa.tama ka jen past is past but dont close ur heart 4 him,patrick&jen 4ver lang ako.
-
8. Posted by zenytj
on June 3, 2009
hi jen mabuti ung desisyom mo na makatrabaho mo si pat.at hwag nang mag comment against pat dahil hahit papano minahal modin siya.sa akin mas gusto ko magkabalikan kayo alang-alang kay aj.
-
9. Posted by Paikuh_cutiesweetheart01
on June 2, 2009
ah hindi ako agree kay jhentot dapat siya papayag na makatrabaho si patrick sinaktan nya ang damdamin ni jen ehh ahaha buti nga at nagbreak sila dyan gusto ko sila lang ni mark herras ang magkatrabaho dahil mas bagay sila kaysa kay patrick ehh ahaha
-
10. Posted by jhentot
on May 29, 2009
nakoo.. tama lan yun jhen nuh.. tagal na nan past nyu ni pat. kea ok lan kung makatrabaho mu xa.. pero kung mag kakalhablyp ka ulet cguro mas magndaa kung c mark ulet hehe gege inats..
















