Article posted May 25, 2009
Rating:
Pagkatapos mabalot ng kontrobersiya these past months, tuwang-tuwa naman si JC de Vera na balik-trabaho siya sa upcoming Dramarama sa Hapon offering, 'Ngayon at Kailanman.' Ito ay ang current dramatic take ng Kapuso Network sa 1992 movie of the same name, which starred Richard Gomez and Sharon Cuneta. Text by Erick Mataverde. Photos by Jason John S. Lim.
High expectations
"Nakaka-excite gawin, kasi 'yung pressure niya, grabe. Eh maganda 'yung ginawa doon ni Kuya Gomakaya kailangan it’s either tapatan mo or hihigitan mo, kaya na-eexcite akong gawin eh," banggit ni JC de Vera nang maabutan siya ng iGMA.tv sa studio, kung saan ang cast ng Ngayon at Kailanman ay busy sa kanilang pictorial. Ito ay patunay na aware si JC kung ano ang ine-expect sa kanya sa remake na ito.
At kitang-kita na may handle na sa JC sa kanyang character at this early stage: "[Ako] si Edwin. Hindi naman talaga siya mayaman dati eh, tapos since magandang lalaki, parang pinag-aral ako, inayusan ako, binihisan ako ni Arci (Muñoz), sila kasi 'yung mayaman na family eh."
Ni-reveal ni JC na magiging true naman sa original storyline ang soap na ito pero may mga bagong konsepto din: "Well, 'yung ngayon kasi marami na silang nadadagdag sa story. Kung 'yung dati ganun na siya kaganda, ngayon mas nage-evolve pa, mas kaya pa nilang pagandahin 'yung story."
Kuha pa rin ang mga pinaka-aabangan na eksena ng mga manonood.
"Mas marami pa silang puwedeng idagdag na pampa-kilig, mga acting piece pa na eksena, so nasa story din," patuloy na niyang kinuwento.
Kabadong batchmate
Binanggit din ni JC sa amin na hindi lang 'yung role ang nakaka-dagdag ng pressure. Siya din daw ay na-ooverwhelm pa rin sa kanyang leading lady na si Heart Evangelista, who will be paired with him for the first time.
"Siya talaga eh, 'yung totoo, kinakabahan talaga ako sa kanya. Nasa-starstruck pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Hindi ko pa rin siya matingnan nang diretso hanggang ngayon, kasi masyado siyang maganda, alam mo 'yun?" pag-amin ng binata.
Kuwento ni JC na ka-eskwela niya itong si Heart, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong maging close: "Kasi before, ka-batch ko 'yan eh, naging classmate ko pa 'yan sa school sa San Agustin, grade school, high school, ka-batch ko 'yan. Ever since naman hindi naman kami naging friends. 'Yung, 'Hi, hello’ friends, kaya eh dati kasi sobrang heartthrob na 'yan eh. Lahat talaga hinahabol na 'yan eh, so siyempre ako hindi na ako makikisali sa kanila, 'di ba?"
Patuloy pa niya na even though pareho silang naging artista, mas lalo pang humanga siya kay Heart.
"So nung nalaman ko na nag-artista siya, lalong tumaas 'yung tingin ko sa kanya, lalong gumanda 'yung pagtingin ko sa kanya," sambit ni JC. "Eh ngayon makakatrabaho ko pa siya. Hindi ko in-eexpect na mangyayari ito, kasi before humahanga lang din ako sa kanya tapos ngayon katrabaho ko pa. Kaya hindi ko alam kung paanong gagawin ko sa kanya."
Maaring ikagugulat ng marami, pero JC says that noong story conference ng show last May 11, 2009, lang daw siya nagkaroon ng chance makasama si Heart after school: "Noong story con parang first time namin magkatabi, first time ko siya makausap after high school. Tapos 'yun lang ata 'yung time na nakapag-usap kami ng diretso kasi, 'yun nga, noong high school nga hindi naman kami nag-uusap eh, hindi naman kami friends eh, wala."
Luna and Lola
And this time around, even tough kapwa silang nanggaling sa successful shows, Luna Mystika for Heart and La Lola naman kay JC, challenge pa rin kay JC ang pag-work niya alongside Heart.
"Tapos ngayon, galing pa siya sa isang magandang show, sa Luna, 'di ba ang galing umarte? Ang hirap eh, hindi ko ma-explain kung paano ko siya iha-handle doon."
Ano ang simpleng sagot ni JC nang banggitin namin ang tagumpay ng La Lola at tanungin namin kung anong adjustment ang gagawin niya with Heart?
"Oo. Pero, kailangan matanggal [ko pa rin] yung nerbiyos ko sa kanya eh!"
Ano pa ba ang mga saloobin ni JC? Text JC [Your Message] Send to 4627 for all networks. For GOMMS (wallpaper) just text GOMMS JC to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Pag-usapan si JC de Vera sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by streetsmart
on May 25, 2009
Good luck JC! excited na ako mapanuod ang sinenovela ninyo ni HEART!
















