Fans and friends, full support kay Katrina Halili
Article posted May 22, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Sa bagong pagsubok na hinaharap ni Katrina Halili ngayon, overflowing ang suportang gustong iparating ng kanyang mga kaibigan, mga ka-trabaho, at mga fans. Text by Jason John S. Lim. Interviews by Connie M. Tungul. Photos by Mitch S. Mauricio.

All About Katrina

Sa final taping day ng All About Eve, hindi naiwasan ng cast ng nasabing show na pag-usapan ang hot issue sa mundo ng showbiz ngayon: ang mga sex video ni Hayden Kho, kung saan nabibilang sa mga biktima si Katrina Halili. At sino man ang makausap mo sa stars at staff ng show, isa lang ang kanilang bukambibig: nalulungkot sila sa pangyayari.

stars"I felt really bad," Keempee de Leon shares sa press na bumisita that day sa set, isang sentiment na inaayunan ng kanyang mga kasama sa show. "We felt sorry for her and we felt bad talaga na ganoon 'yung nangyari. We didn't expect na ganoon 'yung mangyayari. So I guess hindi natin masisisi ang tao, katulad ng sinabi niya [noon] sa interview, nag-sorry siya, tao lang siya, nagkakamali. So I guess we should accept her apology, and she learned from it naman eh."

Si Jean Garcia, na nakatrabaho ni Katrina sa Gagambino at Majika. says she feels sad for Katrina. "Lalo na babae ako eh, 'di ba? Nalulungkot ako pero 'yung sa akin nga is hindi naman katapusa ng mundo. We all make mistakes, 'di ba? Iba-iba nga lang ng level pero 'yung sa kanya, medyo nasasaktan ako for her. Nasa-sad ako talaga, alam mo nung kanina nga pinag-uusapan namin kasi siyempre maging honest tayo, hindi puwedeng hindi natin mapag-uusapan di ba? Ako medyo na-huhurt ako kasi, why, 'di ba? Kawawa naman ang mga babae, 'di ba? Respetuhin natin. Kung ano man 'yung ginawa nila, sana personal na lang 'yun kasi hindi ko naman puwede i-judge na bakit nila ginawa or bakit niya ginawa, hindi na 'yun 'yung question eh.

"The thing is, lumabas [ang footage]. Hindi maganda. Ang tanong ko, bakit kailangan dumating sa ganoong point? Na sana inisip din ng ibang tao na kung makakasakit ka lang, or kung makakapampahiya ka ng isang tao, sana matakot sila sa Diyos, 'di ba? Kung sino man ang gumawa noon, matakot sila sa Diyos—lahat ng bagay, may kapalit.

Pero hindi pa rin nito mabubura ang nangyari na, kaya naman the whole cast has words of encouragement para sa aktres.

"Kung kailangan niya ng kaibigan, nandito lang ako para sa kanya," Alfred Vargas, her leading man in Gigil and the recent "Karibal" episode of Dear Friend, says. "Susuportahan ko siya. Sa akin, in general, ang babae kailangan ginagalang, inaalagaan, at minamahal. 'Yun lang. Ganoon lang ka-simple."

Though Alfred admits na he wishes for everything to turn out for the best, "kasi kaibigan ko din si Hayden. Sana maayos nila."

For Jean, she wants Katrina to be strong sa pagharap sa bagong challenge na ito: "Kay Kat, magdasal siya, be strong, nandito lang kami no matter what at tsaka lahat ng mistakes puwede natin itama. So may pagkakataon 'yan, darating 'yun, Kat, 'di ba?"

Sunshine Dizon, who has become close to Katrina matapos nilang magkasama sa movie na Sundo, reveals na nag-text na daw siya kay Katrina.

"Well, I texted her the other day, but she didn't reply. I said na you know we just care for her and lumaban siya, 'yun lang kasi wala naman tayong puwedeng gawin and sabihin para maiba 'yung sitwasyon, 'di ba? But nakausap ko personally 'yung mom niya."

At dahil nga there's no turning back time, Sunshine is hopeful na ito na ang magiging reason for a law to be passed against these things: "Let's turn this around. Pangit man 'yung situation, baka instrument din siya to finally, you know, maging vehicle siya para magkaroon talaga ng batas against those things."

Going back to Keempee, he says Katrina has to be strong: "May mga bagay talaga na dumarating sa buhay ng tao na ganyan, na hindi mo kailangan ipakita na weak ka. Kung kailangan lumaban, lumaban ka. And you have to stand up for yourself. Kasi ang pinag-uusapan diyan 'yung credibilidad mo na, 'yung sarili mo—paano paninindigan? So I guess you have to fight back in a positive way. Na hindi mo kailangan magmukmok."

And fight back, Katrina has begun to do.

Sa dulo ng interview, Sunshine admits sa press, "Alam mo, I actually admire Kat for actually, you know, magkaroon ka ng courage."

Taking Katrina's side

starsHindi lang ang mga colleagues ni Katrina ang nagpapakita ng suporta sa dalaga. Even her online fans have been sending their own words of encouragement through iGMA:

shinningz: "Hey Kat I know its been hard for you about the video. But I know you’re strong enough and malalagpasan mo rin to so just remember all of your fans are here for you. I love you!"

mhacoolet: "Well napnood ko na yung scandal na yan. Ang masasabi ko lang susuportahan ko si Katrina Halili. Babae lang siya na pinagsamantalahan yung kahinaan nya! Besides, talga sa video wala siyang kaalam-alam na may hidden video cam pala. Hayden Koh na yan. Yung ibang girls pa sa video wala ring alam. Alam moh Katrina you need to be strong I know kaya mo yan! May mga tao talaga inggit at gusto ka masira. Sana namn wag nyo muna i-judge si Katrina Halili remember sya yung victim dito."

wondergirls: "Kawawa naman ang bestfriend ko eh. Pero you must fight. Ganyan talaga ang life, kung kelan matagal na nakalimutan mo na dun siya lalabas pero your still my idol. And I know you realize it. I’m still proud of you. Payo ko sa iyo Kat, huwag kang mahihiya, inggit lang sila. No experience. Sana matapos na ang lahat na ito para may TV shows ka na naman."

maitx: "When you're young, you do things na hindi mo alam na masama. Please, let's not judge her, we've been there done that. Hopefully, GMA will not give up on her, she knew she was wrong and honest about it. Sa tingin ko seryoso sa trabaho at hard working itong si Katrina Halili, sana wag idamay ang personal life niya sa kanyang trabaho. Good luck, keep on moving and never give up."

Ilan lang ito sa mga messages ng fans kay Katrina. Ikaw, may message ka ba for her? Leave one sa comment box below, or i-text mo sa kanya through Fanatxt. Just text KATRINA and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by nicy_ramos on June 5, 2009
    Full support sayo ang mga taga ILOILO!!! kaya mo yan katrina. You can certainly surpass all the trials that you are having now.. have faith.. Never forget to lean on GOD..ande everything will turn out well. We are expecting you to be back soon...
  2. 2. Posted by nicy_ramos on June 3, 2009
    Hello Katrina, i am not a big fan of yours but i admired you all throughout since you came to showbiz first time.. Frankly speaking, while i was watching your videos and also the other girls' videos.. Galit na galit ako kay hayden.. I cannot imagine ganun cya ka walang hiya.. I just wonder one thing..bakit di cya nagkakasakit?? Huh?? He deserves to be in jail..sino ba namang matinong tao na gagawa nyan..dapat pa ba i video yong private moment sa mga babae nya?? He is sick!! He is such an evil talaga. Mabuti nalang tubig lang nabuhos sa kanya sa senado..pag nandon ako.. baka nabuhusan ko pa cya ng aksido!! napaka tarantado.. kung ako sa kanya..ituloy nya na ang matagal nyang balak na magpakamatay..nang sa ganun, makabayad na cya sa mga kasalanan nya.. Anyway, just be strong..and continue to fight for your justice.. i highly admire you kasi sa lahat ng nabiktima nya, ikaw lang ang nagpahalaga ng pagkababae mo. ewan ko ba sa iba.. bale wala sa kanila.. Basta..just think that we are here to support you all theway
  3. 3. Posted by cathrinesy on May 27, 2009
    wait a minute, im just browsing reading news and im annoyed by all this.. im not a katrina fan nor hayden but in my points of view lahat ng sisi napupunta kay hayden and all was saying they suport katrina.. then the point here.. y we put the blame in one guy? why don't we considered that it was katrina's fault kasi as we remembered katrina allgedly denied that she's having affair with hayden and then this came up sino ba ang baboy diba ang babae?? diba dapat di sya nag pababoy ganyan.. that means she can easily fool people by denying any thing kaso in this case she can no longer deny it kasi huling huli na sya. ano ang ikahahanga kay katrina ? just being victim?? tama ba na lokohin ang publiko? tama bang niloko rin nya si belo?
  4. 4. Posted by lhadyyddalyn on May 26, 2009
    be strong!!!take care!!!were always here to support you!!
  5. 5. Posted by viper_kryptonite on May 25, 2009
    hi Kat! hindi naman nakakahiya yung ginawa mo, kaya lng sya ngkaron ng masamang effect for you kc nakita ng ibang tao, which is not good. Because as we all know, not all the persons have the same point of view like those conservative type of persons. But i think it's normal to make love with our partners but it should be part only of our private life, nobody should see it.. So Kat be strong, fight for your rights as a women. i know sumday evrythng will back to its own niche.
  6. 6. Posted by dfajuts on May 23, 2009
    i do not know what her problem is. hindi naman marecognize sa video kung sya yun. "oo. love." "oo. gigil" "paltan natin music"
  7. 7. Posted by charriedulay on May 22, 2009
    Ms. Halili, wala na tayo magagawa kc nalabas na ang video isipin mo na lang wala kang kasalanan. makakalimutan din ng tao ang kahihiyang yan. Tao ka lang naman at normal lang sa nagmamahal ang nagawa mo ang hindi normal ay ang minahal mo wala palang kwenta at maaring may sakit sa pag-iisip upang gawin yan. Isipin mong naging kasangkapan kalang upang ipamulat ang ganyang pangyayari sa mga kababaihan na dapat lang bigyang pansin ng mga mambabatas. Kung isang katulad nya na may pinag-aralan, may pera at may gf ay nagawa ang ganyan how much more yung iba na may kapasidad na gawin din yan...magpakatatag ka, maniwala ka sa Diyos. Binibiyayaan at pinapatnubayan ang mga nagtitiis. Be Strong and stand to your principle. Your fans and even hindi mo fans na gaya ko ay nasa likod mo dahil nasa katwiran ang pinaglalaban mo.God Bless You!
  8. 8. Posted by ajlee on May 22, 2009
    honestly speaking i don't like katrina BUT with this situation, i feel you girl. You know you should go out and sue that man! You and the other victims should put him to jail for the rest of his life. There's nothing to be afraid of! You are on the right side so don't hesitate and don't waste anytime! Go, go, go!!!
  9. 9. Posted by witty_liezl on May 21, 2009
    ms. katrina....kaya mo yan...me and the rest of my family and friends would like to give your full support for that battle againnst HAYDEN KHO and his accomplices.. sabihin na nating, nadungisan na nila yang dignidad mo still bumangon ka't bawiin yan kinuha nila against YOU.... matakot cila kc andaming tumulong sa sau...pamilya mo..kasamahan mo sa trabaho, pati na ang gobyerno...akala guro nila na ok lang lahat gya nung pumutok ung affair mo ky hayden kho..at bali sau ang atensyon ng lahat..but NOW IBA na..WAG KANG PATAPAK SA KNILA... ..IPAGPATULOY MO YAN....LABAN NATIN YAN....PAGBAYARIN MO CILA..
  10. 10. Posted by alyssa1234 on May 21, 2009
    kaya mu yan girl...all thru out ang support namin sa iyo...hayden kho dapat maalisan ng license and in the first place people fun of doing vidoes do have psychological problems...

Page 1 of 2   [ 1 ] 2   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.