Article posted May 21, 2009
Rating:
Noong Sabado, May 17, 2009, ay naging saksi tayo sa premiere ng 'Are You The Next Big Star?' At ang co-host host nito na si Keempee de Leon ay more than happy to be a part of another reality show na kakaiba ang concept. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network.
A reality take
"'Yung Kung Ako Ikaw namin ni Joey Marquez before [ang last time ko]. It's reality TV also pero more on 'yung ginagawa ng artista eh, trabaho ng normal na araw. So 'yun 'yung pagkakaiba, this time naman it's about singingkumbaga hindi lang 'yung part ko na bilang co-host, may communication din ako sa scriptwriters," ang sagot ni Keempee de Leon, nang tanungin siya if he has ever been involved in a show such as Are You The Next Big Star?.
Kanyang patuloy: "Kasi hinahanap ko 'yung mga buhay eh, 'yung [mga] background ng mga contenders nang sa ganun, pagdating doon, kilala ko na sila and meron akong mga bagay na matatanong sa kanila [at] maikwekwento rin nila sa akin. So reality din ito pero it's more of a talent search."
At siyempre he is very happy to be considered as host alongside Asia's Songbird: "Itong bagong show [namin] ni Ms. Regine (Velasquez), it's really an honor to be a host, kasi ako natutuwa dahil kasi sa dami po ng artist ng GMA, ako po 'yung napili as co-host so it would be an honor and I'm really happy and kakaiba po 'yung gagawin ko dito. Kasi usually, ginagawa ko sitcom, patawa, mga kabaklaan, you'll see [this is] seriouskumbaga bibigyan ko na kayo ng konting hints [on the contenders]. Siguro before and after umakyat ng stage 'yung mga contenders, pipigilan para malaman [ng audience] 'yung mga buhay-buhay nila so parang lagarista ako dito."
Music-minded
Kung ating maalala, Keepmee is no stranger din when it comes to singing.
"Namimiss ko rin gumawa ng album. Last album ko was with OctoArts, that was way back 1992. Ang tagal na, nakakamiss din gumawa ng album. Nasabi ko na yan sa manager ko, nasabi ko na sa iba," kanyang ini-reveal.
So gagawa pa kaya siya ng panibagong album?
"Marami nagtatanong bakit hindi ako gumawa ng album. Depende sa GMA Records. Namimiss ko although kahit hindi na ako gumagawa ng album, nagagamit ko pa rin 'yung talent ko as singer sa Eat Bulaga; nagagamit ko, pero I'm hoping na makagawa ulit ng album."
Tinanong din ang hosts ng Are You The Next Big Star? kung may kakaibang gagawin sila dito, considering that this is their very first team-up together. Si Regine naman ang pabirong sumagot: "Siguro later on meron kaming mga gagawing dance number! Hindi, siguro later on kasi lagi naman kasali 'yun bang ini-incorporate nila kami, minsan sa mga members ng contenders kasi big deal din 'yun sa kanila eh, to be able to sing with us. Hopefully mangyari din 'yun. Sa ngayon kasi, nasa elimination process pa lang, siguro later on we'll be able to sing. Ako I'll be excited to do a number with Keempee, the two of us. I'm excited!"
May napipisil na ba kayong puwedeng manalo sa Are You The Next Big Star? Pag-usapan sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by camera_01
on May 21, 2009
he does have a good voice...and if ever he makes an album yung nakakain-love na songs sana ang gawin nya. i hope they make him regular sa sop.
















