Article posted April 21, 2009
Rating:
Janno Gibbs sat down with Mo Twister sa ‘Showbiz Central’ segment na Gimme Mo at matapang na sinagot ang mga katanungang napili para sa kanya. Isa sa mga tanong na talaga namang inabangan ng mga manonood ay kung natutukso pa ba siya pagdating sa mga babae. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Isa sa pinaka-interesting na segment ng Showbiz Central ang Gimme Mo, kung saan an artist tries to answer the most controversial questions about his career and life in general, specially hand-picked by close friends and co-workers.
This week, it was Janno Gibbs's turn to take the hot seat at sagutin ang mga katanungang ibabato sa kanya ni Mo Twister. Kilala man si Janno bilang prangka at palabiro, siguradong he won't be able to joke his way around the questions if Mo Twister had his way.
Unang nilinaw ni Janno ang issue about his tardiness at sinabing hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay late siya.
"Lumaki na lang ‘yung issue dahil I joke about it, [and] so do my friends, so nagiging joke na siya but I am [only] once in a while late," paliwanang niya. Pero hindi naman niya tinangging napagalitan na siya dahil sa mga instances na na-late siya.
Nang tanungin naman si Janno about his reputation as a ladies’ man, ito naman ang naging pahayag ng singer/comedian: "Mo, I am just a man, I'm weak. Sa Tagalog marupok ako (chuckles). Pero okay lang naman ma-tempt, lahat naman siguro na-te-tempt basta hanggang doon na lang. Huwag mo na lang aaksyonan."
Hindi naman nakontento si Mo sa sagot ni Janno at sinusugan pa niya ng tanong na kung ano ang nakakapigil dito para mag-give in sa tukso.
"Showbiz Central,” biro ni Janno. “Iniisip ko agadlalabas ‘yan sa Showbiz Central [kaya 'di ko na ginagawa].
"It is always flattering for any male celebrity na natsi-tsismis o may nagkakagusto. But after a while, ngayon, parang feeling ko na parang curse na 'yung kagandahang lalaki. Parang burden na, so I'm trying my best not to look as good (laughs)," dagdag pa ng komedyante, who made everybody laugh as well, with his quick wit and light demeanor about the subject at hand.
Catch more of Janno's wit in Kakasa Ka Ba Sa Grade
5? every Saturday right after Pinoy Records, and in SOP, Sundays
right after Joey's Quirky
World.
Talk about this topic sa iGMA forum.
Puwede mo ring tanungin si Janno about his new album entitled Orig thru his Fanatxt Mobile service. Text JANNO and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)
-
1. Posted by franchesca
on May 6, 2009
haahha nice one janno gibbs..sobrang idol ka namen dito sa pampanga
















