Ano ang mga plano ni Mark Anthony?
Article posted April 21, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Who doesn't remember the Gwapings? Ito ang grupo na nag-launch kay Mark Anthony Fernandez as a teen heartthrob in the early '90s. And though Mark Anthony has been vocal in the past against sa isang reunion project, nag-iba na ang ihip ng hangin. Bakit? Alamin natin mula kay Mark Anthony! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.

Gwapings Reunion. Dire-diretso ang shows ni Mark Anthony Fernandez ngayon, proving that he is now very bankable as a leading man. Kaya naman hindi na kailangan ng gimik ni Mark Anthony para pag-usapan siyang muli.

starsIto ba ang reason kung bakit game na siyang magkaroon ng reunion project ang the Gwapings?

"May nagbanggit sa akin, ‘magsama kayo ng Gwapings,’" kwento ni Mark Anthony. Ilang beses din daw nasabi sa kanya ang idea, "’pag sinabi sa akin, parang corny. Kahit sabihin mo kay Jomari [Yllana], ayaw din niya."

Pero, the last two times daw na binanggit sa kanya ang idea, parang nagkaroon ng spark. "May laman. Pwede." Remember, back in the 1990s, isang popular group ang Gwapings na binubuo nina Mark Anthony, Jomari at Eric Fructoso. But Mark Anthony says na lagi daw lima ang members ng Gwapings. "Siguro, pwede namin gawin dito [sa GMA] -- dagdagan kami ng dalawang [talents] ng GMA. Ang Gwapings, laging lima ‘yun. Sana pumayag sila."

Before any reunion kicks off, Mark Anthony has a suggestion, "Sana mapa-survey na rin nung mga tao, kung gusto ba nila o hindi."

Politics. Papasok na ng politics ang All About Eve co-star ni Mark Anthony na si Alfred Vargas. Does he have similar plans?

"Nasa…ilalim ako ng pakpak ni Leo Martinez. Nakikinig ako kay Leo," sagot ng aktor. Leo Martinez is one of the most vocal celebrities na against sa paghalo ng mundo ng showbiz at mundo ng pulitika.

Movies. Habang sunud-sunod ang TV projects ni Mark Anthony, his movie career has taken a back seat. Huli natin siyang nakita sa Shake, Rattle and Roll more than two years ago.

Dahil medyo exclusive ako ng GMA, inaalagan [nila] talaga ako," he notes with obvious gratitude. Since tuluy-tuloy ang shows niya, he explains, "Ang hirap ipasok sa schedule [ng movie]. Ayaw ko na ulit mag-lagare. Ang hirap!"

Aside from taking its toll on him physically, takot rin si Mark Anthony na maging cause of delay ng either production kung sakaling pagsabayin niya ang kanyang TV show at shooting para sa isang pelikula. "Mapatagal 'yung taping dahil sa akin? Ayaw ko." He wants to focus on one thing at a time "para 100% nandoon ako."

"Anytime naman ay pwedeng gawin [ang movie]," he ends.

Though, he does admit na gusto na rin niyang magka-movie. At kung papipiliin siya, there's one particular movie character he could portray, ito ang sagot niya, "Imposible pero gusto ko Starzan!"

Yes, the Starzan popularized by Joey de Leon! Komedyante pala ang next challenge na gustong harapin ni Mark Anthony! Akalain mo?

As fans await his next project sa big screen, mapapanood si Mark Anthony as the romantic lead in All About Eve, every weeknight sa GMA Telebabad.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by milkymike on May 1, 2009
    fav talaga kita mark. more power and sana alagaan mo ang career mo. bagay ka kahit anong character at kahit kanino ka i-partner, bagay. wag lang kay sunshine. kilig ako sa inyo ni iza.
  2. 2. Posted by ginger2007 on April 27, 2009
    Lagi ko inaabangan ang All About Eve dahil sayo Mark. Sobrang kinikilig ako tuwing nakikita kita :-)
  3. 3. Posted by zelski0526 on April 27, 2009
    happy aq sa mga nangyayari sa career ngaun ni Mark. sna tlga mg-tuloy-tuloy na at alagaan tlga xang mabuti ng GMA.
  4. 4. Posted by lourdes_mlag on April 21, 2009
    hello ,,, mark... sobrang gwapo mo talaga.... we will support u in whatever project u have,,,, hope u will stay kapuso... yah,,, gwapings... good idea.... we will wait for it,,,, hehehe good luck... ganda na talaga ang all about eve.... nakakaexcite ang mga ex sena...
  5. 5. Posted by mgs6799 on April 21, 2009
    u are doing a good job....keep it up! just be loyal sa tumutulong sa yo.
  6. 6. Posted by winX on April 20, 2009
    Ang gwapo mo Mark sana mas marami ka pang eksena sa All About Eve. Bagay na bagay sa iyo ang role na Kenneth ..... Nakakakilig ka sobra!
  7. 7. Posted by relynskie on April 20, 2009
    oo, nga sna magkaroon ng gwapings reunion..miss ko na rin yan eh...hope bigyan ulit ng pagkakataon na mabuhay ulit..kung gagawin lima isama nyo si dennis trillo at paolo contis.

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.