Alfred Vargas, handang iwanan ang showbiz para sa politics?
Article posted April 20, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Isa si Alfred Vargas sa pinaka-busy na aktor sa showbiz ngayon. Active sa pelikula at telebisyon, Alfred has proven that he has what it takes to make it sa show business. Pero bakit nga ba iiwanan ni Alfred ang lahat ng ito para tumakbo sa public office sa 2010? Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Sa isang press conference na dinaluhan ng iGMA, nakapanayam namin si Alfred Vargas at nalaman namin ang kanyang balak na pagtakbo bilang konsehal sa second district ng Quezon City next year. stars

Inamin ng aktor na matagal nang may nag-aalok sa kanya na tumakbo for public office hindi lamang sa Quezon City kung hindi pati na na rin sa kanyang probinsiya, ang Bulacan.

“More on public service talaga ang rason ko for running,” ang pag-amin ng All About Eve star. “Marami tayong changes na gusto mangyari pero we don’t get it from the people na nakaupo ngayon. So why not do it yourself, 'di ba?”

Although buo na nga ang desisiyon ni Alfred about his bid for public office, inamin niya na he is conscious of the severity of the obstacles that he will face.

“Entering politics is not that easy," sabi pa ng aktor. "Kailangan may knowledge ako kahit papaano sa maraming bagay. I have people to help me get into it. May mga pag-aaralan ako tungkol diyan.”

Aware din siya na may mga tao ding pupuna sa kanyang desisyon at hinanda na niya ang kanyang sarili para sa kanilang mga sasabihin.

“I know na may kukuwestiyon sa gusto kong ito and I welcome their comments and suggestions naman. Makakatulong ang mga positive at negative feedback,” ang makahulugang sabi ni Alfred.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanda ni Alfred para 2010, pero in the meantime ay mapapanood natin siya, weeknights sa All About Eve, sa prime time Telebabad block ng GMA7.

Pag-usapan ang pagsali ni Alfred sa politics by logging on to the iGMA forum!

Get in touch with ALFRED! Text ALFRED [Your Message] Send to 4627 for Globe, TM, Sun, Smart and Talk ‘N Text. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS ALFRED to 4627 *for all telcos.*

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by relynskie on April 20, 2009
    hwag na lang, gugulo pa ang mundo sa showbiz ka na lng..i suggest hwg mo iwan ang pinanggalingan mo..alm mo ba ang mga ibang tao gumagawa ka na ng mabuti masama ka pa..look gya na lng ung mga ibang politician na artista laging ginagawan ng issue gya na lng ni ex pres erap khit wlang ginawa ano nangyari sa knya?hope na you can learn about ex pres erap. at makakatulong ka nman sa mga tao khit di ka mag polotiko, gya ng ibang mga artista my mga foundation sila look robin padilla my sariling eskwelahan sa mga muslim at catholic..i like you pa nman galing mo kc magdrama..hwag mo iwan ang pag aartista habang sikat ka pa..
  2. 2. Posted by deckdeck01 on April 20, 2009
    i hope alfred wins in our district.. i heard he is going to my cousin's wake in batasan.., we are waiting for his visit..

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.