Joey de Leon's quirky online debut
Article posted March 31, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

First time man ni Joey de Leon sa iGMA Live Chat, hindi naman ito nahalata! With his son Jaco typing for him, sumisid lang si Joey sa mga tanong. At ang resulta? One wacky and quirky afternoon online! Text by Jason John S. Lim. Interview by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Mainit man ang panahon ngayon, bumaha pa rin dito sa iGMA ng dumalaw si Joey de Leon para sa kanyang first ever live chat experience! Ano ang bumaha? Mga questions at messages, of course!

stars

Aminado si Joey na hindi siya techie—in fact, dala-dala nga niya ang kanyang anak na si Jaco para mag-type para sa kanya. Though, technically, hindi rin daw ito ang first time niyang maki-chat online. First time lang sa fans.

"Nag-chat din ako nung araw," kuwento niya. "Sa bahay, kausap ko 'yung mga anak ko." At bago pa man siya sumabak sa chat proper, nagsabi na si Joey na "Wala naman akong kinakatakutan."

At talaga namang wala siyang pinalampas na mga katanungan, kahit pa man sinabi niya at the start of the chat program na hindi niya sasagutin ang mga tanong na walang sense. Here are a few samples sa mga nasagot ni Joey during the live chat:

dayanha0028: Ako po ay isang pasaway na estudyante, ano ang mga kalokohan na ginagawa mo nung estudyante pa kayo?
joeydeleon: Ano ko nung araw sa eskwelahan e—starter 'yung tawag. Nung elementary ako marami ako, tsaka nung college; ang gimik ko para mapalabas sa klase, gagawa ako ng paraan para mapalabas. [For example,] ibubuhol ko yung buhok ng mga long hair kong kaklase pag magkatabi. Nung araw bibihira pumutol ng buhok eh, so puro long hair. Pinagbubuhol ko 'yon! Tuwa ako pagtayo non. Iyon—mga ganon kalokohan ko.

choi_hanna13: Sino po ang inspirasyon niyo sa pagpapatawa?
joeydeleon: Naku wala. Ang inspirasyon ko ay e—buhay ko. Kumuha lang ako ng idea from the great men in this field, pero ang inspirasyon ko diyan ay ang good life.

ms_brightside: Kung pupunta po ba ako sa Broadway [Centrum] pwede po bang magpa-picture sa'yo? Kasi idol ko po kayo.
joeydeleon: Salamat, salamat. Pwede-pwede—kahit na buong pamilya nyo.

liezelion777: maganda po ba sa personal si Lolit Solis?
joeydeleon: Si Lolit nung bata kamukha si Iwa Moto. O di ba napa-wow sila? Totoo. E siyempre nagkaka-edad ang tao—si Lolit, isa sa pinak-boobsy na babae sa showbiz. Kung mapapasin niyo vava-voom! Pero may edad na, pero naalala ko kamukha niya si Iwa Moto nung kabataan niya. Kaya Iwa? Iiwasan ko talaga yan! (Laughs.) Hindi. Okay si Lolit. Maganda nung bata, eh. Ang dami ngang magaganda ngayon eh 'di ba e kung anu-ano naman ang pinaggagagawa?

stars

Ilan lang 'yan sa mga nakakalokang mga sagot ni Joey during the live chat!

Kahit nga si Jaco, nakatanggap na ng mga tanong! From questions about his age, to whether he wants to become an actor din, game ring sinagot ng binata ang mga tanong sa kanya ng mga online Kapuso!

"Actually, taga-type ko talaga 'yun eh," pahayag ni Joey. "Taga-type ko sa mga articles ko. Gusto ko na ngang pag-aralan talaga [ang computers]."

At talaga nga namang nag-enjoy si Joey sa live chat niya. "Parang radio eh, kasi nag-radyo ako noong araw. Nag-enjoy ako doon." Kaya naman we asked Joey kung willing ba siyang bumalik dito sa iGMA Live Chat. Ang sagot niya? Isang matinding "Oo! Sige."

Aabangan natin 'yan!

Kung na-miss mo ang live chat ni Joey de Leon—don't fret. Mapapanood niyo ang mga kaganapan soon sa uncut version ng iGMA Live Chat with Joey de Leon! Dito lang yan sa iGMA!

At 'wag mo rin kalimutan! Marvin Agustin returns sa iGMA Live Chat this coming April 15! 2 p.m. to 4 p.m. din 'yan—kaya ihanda niyo na ang inyong mga katanungan.

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by Chris2o6 on February 7, 2010
    whats up my hommie joey!! i just wanna say your fantastic at eat bulaga and kuya vic you guys are good! i wanna give a shout out to my mom in pampanga and my cousins!!
  2. 2. Posted by maryanne1421 on August 9, 2009
    hi po tto joey... alam ko po kung cno ung pinariringgan nyo doon sa pinoy henyo noon.., tama po ung cnb nyo na dapat hndi c jose ang ntanggal..., ska hindi nmn ksalanan n jose ang nangyari eh... miz na kc nmin c jose..,) sna po maibalik na sya sa eat bulaga.., isa po ako sa tga supporta ng eat bulaga... god bless po...
  3. 3. Posted by magienavarro on July 24, 2009
    hi po mr joey.. ang lungkot lungkot ko po ngaun kc nsa hospital ung 3 weeks baby ko.. im a 20 yr old mother...
  4. 4. Posted by alanpaul on April 12, 2009
    sana update nyo kami kung kelan yung uncut version ngiGMA Live Chat w/ Joey de Leon. thanks! looking forward to another chat session with Joey.na-miss ko kasi ito eh.

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.