Angelika dela Cruz gives birth to a healthy baby boy
Article posted March 23, 2009

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Angelika dela Cruz has her own little bundle of joy now. Nanganak na noong Marso 20, Friday, 10:06 a.m. ng umaga si Angelika sa UERM Hospital. Lalaki ang isinilang ni Angelika by way of caesarian section. Gabriel "Gabby" Casareo ang ibinigay na pangalan ng mag-asawang Orion at Angelika.

stars
"Happy kami," text ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

May bigat na 6.12 pounds ang bata at may habang 51 cm.

"Cute, mestizo. Halo kami ni Orion [sa hitsura], pero mas kamukha niya. Super puti, ang cute-cute!" gushes the new mother.

Thursday ng gabi, 10 p.m., dinala si Angelika sa hospital at hanggang Biyernes, March 27, pa sila roong mag-ina bago makauwi.

Hindi pa sure kung kailan papabinyagan si Gabby at hindi pa rin final ang mga ninong at ninang. Tuloy pa rin ang church wedding ng mag-asawa sa December 4.

Ipinalabas ang exclusive interview ni Angelika sa Showbiz Central.

Originally, isang Kapamilya na lumipat sa Kapuso at nagbalik-Kapamilya muli, muling nagbalik sa GMA-7 si Angelika noong isang taon sa pamamagitan ng dalawang high-profile series-ang primetime na Babangon Ako't Dudurugin Kita at ang Sine Novela na Una Kang Naging Akin.

Kalagitnaan ng Una Kang Naging Akin nalaman ni Angelika na buntis na pala siya, tatlong buwan pagkatapos nilang ikasal sa huwes ni Orion sa Bicol. Huling napanood si Angelika sa primetime soap na Lalola. - PEP.ph

Alamin kung ano pa ang pinaka-hottest issues sa showbiz by logging on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by cel1203 on April 11, 2009
    Angel congrats, mommy ka na. Sana sa pagdating ng baby mo kasabay ng maraming projects para sau. More power to you. I love you...
  2. 2. Posted by ghix on March 25, 2009
    hello angelika and orion...congratulations!!!!!!maging kapuso ka man o kapamilya..marami pa ding su2porta ceo dahil magaling kang artista....goodluck!!!!on being a new mom at sa mga project's mong gagawin pa in the future.....
  3. 3. Posted by tsuperchin on March 23, 2009
    congrats Angelika! am sure you'll be a wonderful & loving mom

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.