Article posted March 03, 2009
Rating:
Isa sa mga interesting na characters sa pinaka-bagong prime time offering ng GMA, ang ‘Totoy Bato’, si Gilette. Portrayed by the lovely LJ Reyes, tiyak na matutuwa ang mga fans ng young star sa kanyang kakaibang role. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Maraming nag-abang sa pagsisimula ng classic story ni Totoy Bato sa Kapuso channel. Aside from featuring the return of the Robin- Regine team-up, marami rin ang curious kung ano nga ba ang kaibahan ng television series from the movie and comics version.

Isa sa mga noticeable differences ng TV version ay ang mga additional characters ng story. One of these characters is Gilette, played by LJ Reyes.
“Ako si Gilette," panimula sa amin ni LJ about her role ng makausap siya ng iGMA during their pictorial. "Naku, bata na naman ako dito,18 years old ako. Tapos, pinsan ako ni Anna (Regine Velasquez). Medyo kikay ako at marunong mag-martial arts. Tapos, ang mangyayari, parang ayoko kay Kuya Ian (Veneracion). Ang gusto ko si Totoy para kay Ate Reg. Eventually, ang alam ko, tutulungan ako ni Totoy na mag-champion sa martial arts.”
Idinagdag pa ni LJ na hindi pa niya masyadong napaghandaan ang kanyang role dahil last-minute addition lang siya sa cast ng Totoy Bato.
“Kasi, alam ko meron talagang iba for this role and hindi ko alam kung anong naging problem. Pero noong tinawagan nila ako for the role and since wala naman akong ginagawa, nag-go ako,” ayon sa dalaga.
Inamin din ng aktres na this would be a big challenge for her, dahil although may pagka-kikay siya in person, being a martial arts expert needs training and preparation.
Kayanin kaya ng petite and pretty face na ito ang maging kikay at astig at the same time?
“Sabi nila sa akin, ‘Ikaw na bahalang mag-mix ha, ikaw na bahala kung ano gagawin mo.’ Okay, paano 'yun (laughs)?” pag-amin sa amin ng StarStruck alumna.
Huwag palampasin ang kikay at astig na si Gilette sa Totoy Bato, weeknights pagkatapos ng Luna Mystika.
Talk about this topic sa iGMA forums —or puwede rin kayong magtanong ng show update kay LJ through her Fanatxt service. Text LJ and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)
-
1. Posted by ehmellalvarado
on March 9, 2009
hello po sa lahat nang staff nang GMA Kapuso Network! nakikiramay po ako sa pagkamatay ni sir kiko, isa po akong Kapuso galing sa Bacolod na nandito ngayun sa barko nagtatatrabaho wish you all the best!!!
















