Article posted February 21, 2009
Rating:
Isa si Janno Gibbs sa mga regulars ng gag show na "Nuts Entertainment." Last December nawala na ang programa sa ere, without any formal goodbyes sa kanilang mga loyal viewers. Kaya naman nang makausap ng iGMA si Janno, we asked for his official statement. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Nasa shoot ng kanyang latest music video si Janno Gibbs nang makausap ng iGMA ang singer/comedian/host. He was then shooting the video of “Igiling” one of his original compositions sa third album niya sa GMA Records.

After ng mga kamustahan we asked him about his shows particularly ang Nuts Entertainment. As actual fans of the show, lalung-lalo na 'yung segment na Balakubak -- where Janno, together with Anjo Yllana and premier comedian Joey de Leon, dress up as Lollipop, Popsicle and Doughnut -- we just had to ask kung bakit wala nang Nuts Entertainment.
"'Yung timeslot kasi masyado nang late. Wala namang problem sa show, sa ratings wala. Masyado lang late. Parang for the effort, parang sayang, sayang for the gastos. And wala namang ibang timeslot kasi ang dami-dami nang shows ng GMA, so…" ang paliwanag ni Janno sa amin.
Idinagdag pa niya ang dahilan ng hindi na pormal na pagpapaalam ng cast sa mga viewers:
"Baka malungkot lang kami eh. Baka mag-iyakan lang (chuckles) kami. But…matagal din tumakbo yung Nuts and we really had fun," ang sabi ni Janno sa iGMA.
Nagbitaw ng pahayag si Janno na we are sure na ikakatuwa din ng mga loyal fans ng Nuts. "Malay mo, later on, bumalik kami in another format naman, di ba? Sa mga nag-enjoy ng Nuts Entertainment, ng “Balakubak,” siguro, baka naman pahinga lang ‘to for a while but I’m sure it will come back, kahit yung Balakubak lang."
Bumalik man o hindi ang Nuts Entertainment, we are sure that the show will be remembered as one of the funniest show sa Philippine television. In the meantime, mapapanood natin si Janno Gibbs sa SOP at Kakasa Ka Ba sa Grade 5?
Get in touch with JANNO. Text JANNO [Your Message] Send to 4627 for Globe, TM, Sun, Smart and Talk ‘N Text. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS JANNO to 4627 for all telcos.
Talk about this topic sa iGMA forums.
-
1. Posted by raffyboy29
on March 17, 2009
hmmm.. uu nga po bkt nawala.? sana mabalik un.. kakatawa kac e.. lalo na si idol janno,. hehe.. ang ganda pa ng boses u sa SOP. sana maging ka2lad kita. ingat lagi
-
2. Posted by relynskie
on March 9, 2009
oo, nga bat nawala na lang bigla..sana ibalik khit yung balakubak na lng yung portion..thanks
-
3. Posted by knurd25
on March 8, 2009
of course nmn po, one of the funniest show sa Philippine television ang nuts. tuwang tuwa nga ako lalo na sa balakubak. :) sana babalik din sila. more power!
-
4. Posted by ajesusa
on March 3, 2009
sayang naman n nawala bigla yong 1 s mga pborito kong show s gma. Solid gma yata kmi!nkk2w tlg yong balakubak segment..gusto ko tlg si janno s pgiging kalog n pbding kuno ny.i like him alot nmn eh .khit nga yong bunso ko n son eh gusto cy khit as a singer! pti syempre yong iba pang cast llo n c Richard Gutierrez n super pogi!.pti pggnp mo s lupin tlgng kwellang2 tlg! khit saan k ilgy carry2 mo nmn!Keep up the good work.sana d kn nll8 he he.
-
5. Posted by hannah85
on February 23, 2009
kakalungkot talaga dahil lagi akong nanonood ng nuts, sana ibalik na ito kahit balakubak na lang. mas masaya kung sa gabi pa rin sya para marami ang nakakanood///
-
6. Posted by ledonne
on February 22, 2009
i really like yung balakubak segment nila kase. maliban sa nkakaaliw, kaya nilang windaning ang mga guests nila with their questions na binubulong. lalo tuloy nakakaintriga kung anu yung tinanung nila. sana gawin nalang separate show yung balakubak. i remember yung show na celebrity talk nina lani at bitoy, where bitoy played his junie lee character sa bubble gang. baka pwedeng gawin din yun w/ balakubak. . calling mam wilma,hehe. . .
-
7. Posted by dose12
on February 21, 2009
sayang. isa pa naman ang Balakubak sa inaabangan kung shows. pati yung mga guests dun. tuwang tuwa aku nung nag guest sina Dingdong and Marian sa kanila. Winiwish ku pa naman na sana maulit ulit pero mukhang di na possible. T__T
















