Article posted January 20, 2009
Rating:
Isa si Janno Gibbs sa mga pinaka-talented na Kapuso artists that we have right now. Though he has been in the business for quite some time, hindi siya nawawalan ng bagong gimik to reinvent himself. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
Sa shoot ng bago niyang music video nakausap ng iGMA ang multi-talented artist. Kinumusta namin siya kung bakit wala siya sa SOP noong nakaraang Sunday (January 18). He replied na nagkasakit siya noong weekend but he's feeling a bit okay na, kaya naman itinuloy na niya ang shoot ng music video for his carrier single sa third album niya with GMA Records, entitled Orig.

Masaya din niyang ibinalita na there are a lot of things to look forward to ngayong 2009 sa kanyang career.
“Itong January, I’m leaving for Canada para sa GMA PinoyTV with Kyla and Allan K. Sa Valentine’s Day, meron yata akong out-of-town [show]. And hopefully magta-try din akong sumulat ng [story] for a movie naman,” ang sabi ni Janno sa amin.
Aside from this, in February he will also be busy promoting Orig, which contains 11 original compositions. Kasama na rito ang Asero at Gagambino theme songs. Pero may mas dapat pa tayong abangan kay Janno ngayong taon—ang 40th birthday niya.
“I’m planning a big concert sana on my birthday," pahayag ng 39 year-old singer/songwriter/comedian. "Gusto ko sana, ang aim ko talaga sa Araneta [Coliseum]. Kung baga, it should be a big show dahil bukod sa [birthday] celebration ko, matagal na talaga na I haven’t done a big show. Puro mga maliliit lang at mga intimate shows.”
Halatang excited si Janno para sa kanyang big birthday bash, but apart from this, maganda ang pasok ng 2009 sa kanya dahil hindi lang siya ngayon active sa kanyang singing career—pinasok na rin niya ang composing at probably this year, magsusulat na rin siya para sa isang movie. Mukhang ang New Year’s resolution ni Janno for this year is maging masipag.
“Sabi ko nga , ang joke ko lagi, ‘Always late but worth the wait!’ 'Yun ang sinasabi ko lagi,” ang biro sa amin ni Janno sa pagtatapos ng interview.
Talk about this topic in the iGMA forums! Get in touch with JANNO. Text JANNO [Your Message] Send to 4627 for Globe, TM, Sun, Smart and Talk ‘N Text. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS JANNO to 4627 for all telcos.
-
1. Posted by franchesca
on February 3, 2009
yeah ang tagal naman ng concert mu,..sa araneta ah..siguradong mapupuno yun..kaw pa..
-
2. Posted by gomgat
on January 30, 2009
Idol ko talaga si Janno since That's Entertainment days pa...Sana magkaron kayo ng duet ni Manilyn Reynes sa bago mong album...Or sana magkaron kayo ng concert together..For sure big hit ito...
-
3. Posted by franchesca
on January 26, 2009
jaNNo gibbs..NO.1 ..
-
4. Posted by zelski0526
on January 21, 2009
parang hindi tumatanda itsura ni Kuya Janno! he he... wink!
-
5. Posted by franchesca
on January 21, 2009
hope na ibalik ang oj sa sop.,.janno please..kakatuwa ang mga compose mu dun..thanks
-
6. Posted by franchesca
on January 21, 2009
i realy love this guy so much..swerte ang GMA7 kapuso kase my artist silang JANNO GIBBS...lahat ng talent na saknya na..gudluck to you janno..madaming fans ang nagmamahal sayo at humahanga..,pagpatuloy mu yan..godbless..
















