Article posted January 16, 2009
Rating:
It is never easy to accept the loss of a loved one. Sa case naman ni Ryza Cenon, who is currently busy in a stage play, ang loss ni Marky Cielo ay mas lalo niyang nararamdaman. Text by Erick Mataverde. Interview excerpts from Chika Minute. Photo by Mitch S. Mauricio.
Binisita ng Chika Minute si Ryza Cenon sa isang stage play at the Tanghalang Pilipino sa CCP kung saan siya ay kasama sa cast, together with fellow Starstruck alumnus Mike Tan.

Naaalala ni Ryza ang times kung kailain sila nagre-rehearse ni Marky Cielo. "Tinutulungan ko siya para makabisado niya 'yung script niya. Kasi sa aming tatlo, ako 'yung unang nakaka-kabisado ng script. Tapos sabi niya: 'Huy, tulungan mo naman ako,' ganyan. [Sagot ko naman], 'O sige, ako si Maria Clara'," ang kanyang kwento.
Dagdag ni Ryza: "Dapat nga kasama dito si Marky, siya si Ibarra dapat sa Maria Clara. 'Yun nga, sa nangyari, so ginagawa namin ito, siyempre para rin sa kanya. Kumbaga tinatapos namin ito."
Kaya nga doble pa ang effort ng mga kasama ni Marky sa pag-improve ng kanilang craft, dahil for them, ito ang isang way na makapag-bigay sila ng homage sa kanya na siguradong ma-aapreciate niya ng todo.
Sa totoo lang, ang mga stage play na ganito ay malaking tulong sa kanilang acting—lumalawak ang horizons nila dahil sa training at disiplina na ibinigay ng pagganap sa entablado.
Banggit nga ni Mike Tan: "Kapag onstage kasi, kung ano yung hinihingi ng script, 'yun ang ibibigay mo, eh."
Be updated sa mga pinaka-hot na balita tungkol sa inyong mga Kapuso stars! Just log on to to the iGMAForums! Not yet a member? Register here!
-
1. Posted by kriztelle
on January 17, 2009
wow ang ganda...ni ryza!!! sayang.....kakalungkot.....iniwan n tayo n bok!!!!haysss... ryza wag k n malungkot!!!
-
2. Posted by mrfreeze
on January 17, 2009
Nanood ako kagabi. Nag-bus lang ako from Tarlac just to watch. Ang galing ni Ryza(sayang wala si Mike Tan). I never thought na ganoon na siya kagaling. Although understandable naman na mas mahusay pa rin yung ibang casts dahil first time lang naman ni Ryza. But given projects like this and meaty roles, she can follow the footsteps of Nora Aunor. Di ba among our brightest stars, Only Nora did stage plays. And not only performance and ginawa niya but with standing ovation as well. Mas mahirap nga sa stage dahil you have to memorize at walang take two.
















