iGMA.tv      Articles      Video
Web            Photos
 
 
 
 
Highlights

Angelika dela Cruz reveals she is married and pregnant
Article posted October 13, 2008

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

Isa sa sa exclusive stories ng Showbiz Central kahapon, October 12, ay ang pag-amin ng aktres na si Angelika dela Cruz na siya ay kasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Orion Casareo at siya ay tatlong buwang buntis na. Pero umaga pa lang ay kausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa pamamagitan ng text nang binati namin siya sa kanyang bagong kalagayan.

Hindi na niya kami tinanong kung ano ang alam namin. Isang mahabang text na lang ang kanyang ibinigay. Ito ang nilalaman ng kanyang text message sa PEP:

stars"We got married August 19 [2008]. Nung Thursday [October 9] ko lang nalaman na pregnant ako. Grabe, I'm so happy too! Nagulat lang. Do you think I should tell the truth na that I was engaged na for two years and kept it dahil inutusan ako? I don't want to lie anymore."

Matagal na ang relasyon nila ni Orion. Sa taped interview sa kanya ng Startalk nung isang araw, October 11, inamin ni Angelika na nag-propose na sa kanya si Orion para sa isang church wedding.

Pero kanina sa "Central Jury" segment nina Rufa Mae Quinto at Mo Twister ay inamin ni Angelika na noon pang December 4, 2007 sila engaged ni Orion. Hindi lamang ito sinabi ni Angelika noon dahil may nagbawal daw sa kanya na isiwalat ito.

Pagkatapos nito ay pinili ni Angelika ang "Killer Question" at dito na niya inamin na ikinasal na sila ni Orion sa Huwes. Inamin din niya na tatlong buwan na siyang buntis.

"I am pregnant. I'm very happy and I am very proud," sambit ni Angelika.

Kasama ni Angelika sa studio ng Showbiz Central kanina ang kanyang mister na si Orion, ang kanyang ina, at ang kanyang bunsong kapatid.

Bagamat nakausap na ni Angelika ang PEP kaninang umaga, nag-request ang aktres na huwag unahan ang Showbiz Central dahil doon na lang daw siya magbibigay ng detalye. -- PEP (Philippine Entertainment Portal)

Catch more juicy gossip and issues cleared every Sunday afternoon on Showbiz Central. And talk about this joyous news with fellow Angelika fans at the iGMA Forums!

Comment   Email This  
| More


  1. 1. Posted by mariphil_678 on November 17, 2008
    wow super ganda mo angel.....GOod luck and god bless sa relationship ninyo..
  2. 2. Posted by mylove1220 on November 2, 2008
    HI angel! congratulations! it has always been good to see our stars to be happy on their personal lives, konti lng kc kyo. i must admit i was never a die hard fan of anyone but i appreciate you always. such a good actress and that you are talented. my mom says you have one of the beautiful faces she sees on TV. gudlak
  3. 3. Posted by choleangel on October 16, 2008
    Congrats Shine! no matter what Shineatics support you all the way :)
  4. 4. Posted by jhayreshie30 on October 14, 2008
    angelika kamukha ko ung asawa perehas kaming gwaping salamat
  5. 5. Posted by wizard_of_kamote on October 14, 2008
    congrats! at least matapang kang harapin ang future mo. it's a blessing from up there
  6. 6. Posted by sasa14324 on October 13, 2008
    wow!congrats angel.ang galing,ikaw na ata ang pinaka magandang buntis na nakilala ko kc d man lang nahalata ng publiko na buntis ka kc ang ganda mo parin.i always watch ur new drama UNA KANG NAGING AKIN sa GMA pinoy tv and a big wow to it kc ang ganda tlga ng storya at super ganda mo dun also the rests of the casts.love it
  7. 7. Posted by Ney on October 13, 2008
    congrats Angelika. goodluck sa baby. panahon na rin naman. di mo dapat problemahin yung sasabihin ng iba na nega. buhay mo yan. again congrats

Page 1 of 1   [ 1 ]   

Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.