Jewel Mische: Kabaka
Article posted October 23, 2007

Rating:

0
Comment   Email This  
| More

May ilang bukang liwayway

na kakulay ng taglagas

may ibang dapit hapong

liwanag na sumasabog

Kung minsan ang puting

puwang

palawakin man ng iyak

ay nagiging isang pumpon

ng kandilang di maupos

Hanggang kaya mong

gumising

at kaya kong managinip

kaya nating pag-isahin

ang darating at aalis

Habang may kapangyarihang

pangarapin at mangarap

walang laban ang kahapong

matuldukan

Kung minsan ang puting

puwang

palawakin man ng iyak

ay nagiging isang pumpon

ng kandilang di maupos

Bakit ba may inaasam

tayong ayaw maganap

pagkat ngayon ay mayroong

bukas natin ang handog

Hanggang kaya mong

gumising

at kaya kong managinip

kaya nating pag-isahin

ang darating at aalis

Comment   Email This  
| More



Write a comment
You have to be logged-in to write a comment. Click here to login.
Copyright © 2008 GMA Network, Inc.